Baclaran ng Bulacan - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ng Hagonoy

Baclaran ng Bulacan - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ng Hagonoy Official page of Parokya ng Ina ng Laging Saklolo - Hagonoy | Ang Baclaran ng Bulacan

Commission on Social Communications
OMPH Hagonoy SocCom Kgg.

Ito ang pinakabatang parokya sa Bikarya ni Sta. Ana ng Hagunoy at nagsisilbing natatanging sentro ng debosyon sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa buong Diyosesis ng Malolos. "At sa pahayag na ito, sinambit ng obispo, โ€œIto ang magiging Baclaran ng Bulakan...โ€ - Lub. Rolando Octavus J. Tria Tirona, O.C.D., D.D. | 30 Mayo, 1998

23/08/2026

Baclaran Ng Bulacan: ONLINE MASS | August 23, 2026 | 6:00 PM
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Rdo. P. Wilfredo A. Lucas
Kura Paroko

SANTA ROSA DE LIMA, DalagaIkalawang Patrona ng Pilipinas23 Agosto 2022 | PaggunitaPANALANGIN | O maluwalhating Sta. Rosa...
23/08/2026

SANTA ROSA DE LIMA, Dalaga
Ikalawang Patrona ng Pilipinas
23 Agosto 2022 | Paggunita

PANALANGIN | O maluwalhating Sta. Rosa, masamyong bulaklak ng aming parokya at ng Panginoon, na sa pamamagitan ng iyong mga kabanalan sa gitna ng mga tinik at tawag nitong mundo, ay hinalina mo ang mga tao na pag sisihan nila ang kanilang mga kasalanan, mag pakababa at maging masunurin sa mga utos ng iyong mahal na esposo, at mag tiis ng lahat ng bagabag alang-alang sa pag-ibig ng Diyos at kaligtasan ng mga kaluluwa.
Makapangyarihan at maawaing Patrona, takbuhan ka ng aming mga pangangailangan at lunas ka ng aming mga karamdaman, isinasamo namin sa pamamagitan ng iyong mga biyaya at matayog na kabanalang kaloob sa iyo ng mahal ng sanggol na si Hesus na kami ay iyong paginhawahin at aliwin sa karalitaan at paghihikahos ng aming kaluluwa at katawan.

Tanggapin mo kami sa ilalim ng iyong pag-aaruga, at kami ay tulungan sa pagtatamo ng kalinisan ng puso, pag sang-ayon sa kalooban ng Diyos pag titiis ng hirap at sakit, at pananatili sa kabanalan. Masikap naming tupdin ang mga utos ng Diyos at ng Inang Santa Iglesia, pagdedebosyon ng Santo Rosaryo at malimit na pagtanggap sa kamahal-mahalang sakramento ng Altar.

Marapatin mo ding ipagkaloob ang mga hinihiling namin sa kamahal-mahalang puso ng iyong minamahal na esposo at kalinis-linisang puso ni Maria, alinsunod sa kalooban ng Diyos.
Luwalhati sa DIYOS AMA, DIYOS ANAK, DIYOS ESPIRITU SANTO, purihin nawa si Hesus sa kamahal-mahalang Sakramento sa Altar. Purihin nawa ang di marungisang paglilihi kay Santa Mariang Birhen. Purihin nawa si Sto. Domingo, mahal mong Ama sa Orden ng Tersera, Purihin nawa si Sta. Cathalina, na mahal mong g**o at patnubay sa landas na mataas na kabanalan. Purihin ka O, Santa Rosa de Lima na mahal naming patrona, butihing tagapagtanggol, aming pinipintakasi, takbuhan at Ina ng aming bayang Teresa. Magpakailanman.

Siya Nawa.

Mahal na Sta. Rosa de Lima.....
Ipanalangin mo kami !

23/08/2026

Baclaran Ng Bulacan: ONLINE MASS | August 23, 2026 | 9:00 AM
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Rdo. P. Wilfredo A. Lucas
Kura Paroko

PANALANGIN SA UMAGA23 Agosto 2026 โ€ข IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON โ€ข TAON AAma naming makapangyarihan,ginagawa mong...
22/08/2026

PANALANGIN SA UMAGA
23 Agosto 2026 โ€ข IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON โ€ข TAON A

Ama naming makapangyarihan,
ginagawa mong kamiโ€™y magkaisa ng kalooban. Ipagkaloob mong ang iyong mga utos ay aming
mahalin,ang iyong mga pangako ay hangarin naming
tanggapin, upang sa anumang pagbabago sa paligid namin manatiling matatag ang aming loobinsa tunay na kasiyahang matatagpuan sa iyong
piling sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

IBAHAGI SA AMIN ANG IYONG KWENTO NG KAHILINGAN AT KATUPARAN NG SAKLOLO ng ating Mahal na Ina. #๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐— ๐—•๐—œ๐—ง๐—”๐—ก: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด...
22/08/2026

IBAHAGI SA AMIN ANG IYONG KWENTO NG KAHILINGAN AT KATUPARAN NG SAKLOLO ng ating Mahal na Ina.

#๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐— ๐—•๐—œ๐—ง๐—”๐—ก: ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ sa pamamagitan ng ating Mahal na Patrona, ang Ina ng Laging Saklolo de Hagonoy.

Layunin nito ang inyong pakikiisa sa gawaing ito na naglalayong mapalawig ang debosyon sa Ina ng Laging Saklolo de Hagonoy sa pamamagitan ng inyong pagbabahagi sa mga biyayang personal na ninyong natamasa sa tulong ng mga panalangin niya.

Nasa Ibaba ang mga pamamaraan upang makapagbahagi kayo sa amin.

Ang nasabing gawain ay bukas para sa lahat ng mananampalataya at namimintuho sa ating Mahal na Ina, taga - hagonoy man o taga ibang lugar, sa Pilipinas man o sa iba't ibang dako ng mundo.

Maraming Salamat po!

๐—”๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—บ๐—ผ!

ษชษดแด€ ษดษข สŸแด€ษขษชษดษข sแด€แด‹สŸแดสŸแด แด˜แด€ส€ษชsสœ - สœแด€ษขแดษดแดส | sแดแด„ษชแด€สŸ แด„แดแดแดแดœษดษชแด„แด€แด›ษชแดษดs แดษชษดษชsแด›ส€ส










Ang Reyna ng Langit. Ang Reyna ng ating tahanan. Ang Reyna ng ating pamilya. Ang Reyna ng ating puso.Sa wakas, ang Kalin...
22/08/2026

Ang Reyna ng Langit.
Ang Reyna ng ating tahanan.
Ang Reyna ng ating pamilya.
Ang Reyna ng ating puso.

Sa wakas, ang Kalinis-linisang Birhen, na walang bahid ng salang orihinal, sa pagtatapos ng kaniyang pagpanaw sa lupa, ay iniakyat ang kaniyang katawan at kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit, at dinakila ng Panginoon bilang REYNA NG SANSINUKOB, upang siya'y lalo pang maiayon sa kaniyang Anak, ang Panginoon ng mga panginoon at mananakop ng kasalanan at kamatayan.

Viva La Virgen!

๐—”๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—บ๐—ผ!

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”22 Agosto | ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ขโ€ข โ€ข โ€ขAng pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria ay makikita sa Ba...
22/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”
22 Agosto | ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข
โ€ข โ€ข โ€ข
Ang pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria ay makikita sa Banal na Kasulatan. Sa pagpapahayag ng Anghel Gabriel ng Mabuting Balita, kaniyang binanggit na si Maria ay magiging ina ng Mesias na magmumula sa linya ng Haring David. Sa Lumang Tipan mababasa ang impluwensya at katungkulan ng Inang Reyna sa Korte ng Hari.
Noong ikaapat na siglo, tinawag ni San Efren si Maria bilang Reyna na siyang ginamit ng mga sinaunang mga pari at pantas ng Simbahan. Ang kapistahan ng Pagkareyna ng Mahal na Birhen ay sinimulan noong 1954 ayon sa utos ni Papa Pio XII; tuwing ika-22 ng Agosto sa Oktaba ng Dakilang Kapistahan ng pag-akyat sa kaniya sa langit.

[PAMBUNGAD NA PANALANGIN] Ama naming Makapangyarihan, ginawa mong aming maging Ina at Reyna ang nagsilang sa iyong Anak. Ipagkaloob mong kaming lubos niyang idinadalangin ay amakrating nang maluwalhati sa iyong paghahari sa iyong mga supling sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡ ๐™‰๐˜ผ ๐˜ฝ๐™„๐™๐™ƒ๐™€๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ,
๐˜๐˜—๐˜ˆ๐˜•๐˜ˆ๐˜“๐˜ˆ๐˜•๐˜Ž๐˜๐˜• ๐˜”๐˜– ๐˜’๐˜ˆ๐˜”๐˜!
โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข โ€ข

| ๐‚๐Ž๐๐’๐Ž๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐๐ˆ ๐๐Ž๐๐”๐‹๐„ ๐Œ๐„๐”๐’ |Kaisa ng buong Diyosesis ng Malolos, ang aming ng maligayang ika-7 na taong anibersaryo ng pa...
21/08/2026

| ๐‚๐Ž๐๐’๐Ž๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐๐ˆ ๐๐Ž๐๐”๐‹๐„ ๐Œ๐„๐”๐’ |
Kaisa ng buong Diyosesis ng Malolos, ang aming ng maligayang ika-7 na taong anibersaryo ng pagkakatalaga bilang Obispo ng Malolos, Bishop Dennis C. Villarojo!

Ang amin pong taos-pusong panalangin para sa iyong kalusugan, kabanalan, at mabungang paglilingkod sa bayan ng Diyos!

Maligayang Bati po, Bishop Dennis!

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ• ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐‚๐€๐๐Ž๐๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐ˆ๐๐’๐“๐€๐‹๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜, ๐๐ˆ๐’๐‡๐Ž๐ ๐ƒ๐„๐๐๐ˆ๐’Ngayong araw, buong kagalakang ipinagdiriwang ng...
20/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ• ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐‚๐€๐๐Ž๐๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐ˆ๐๐’๐“๐€๐‹๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜, ๐๐ˆ๐’๐‡๐Ž๐ ๐ƒ๐„๐๐๐ˆ๐’

Ngayong araw, buong kagalakang ipinagdiriwang ng Sambayanan ng Diyos sa Diyosesis ng Malolos ang ika-7 anibersaryo ng Canonical Installation ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., bilang ika-limang Obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Sa pitong taon ng kanyang pagpapastol, patuloy niyang ginagabayan ang sambayanan sa pananampalataya, pag-asa, at paglilingkod, habang sama-samang isinusulong ang misyon ng Simbahan sa Diyosesis ng Malolos.

Patuloy nating ipanalangin ang kanyang paglilingkod bilang pastol ng ating Diyosesis, upang patuloy siyang pagkalooban ng Panginoon ng karunungan, lakas, at biyaya sa kanyang banal na tungkulin.


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

TINGNAN: Isinagawa ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Elena sa Sitio Bubog, San Isidro II, Paombong, na pinangunahan ...
19/08/2026

TINGNAN: Isinagawa ang pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Elena sa Sitio Bubog, San Isidro II, Paombong, na pinangunahan sa pamamagitan ng Banal na Misa na ipinagdiwang ni Fr. John Patrick Gumasing noong ika-18 ng Agosto, 2026.

Nagtipon ang mga deboto at mamamayan ng pamayanan upang sama-samang manalangin, magpasalamat, at ipagdiwang ang kapistahan bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya at debosyon kay Sta. Elena.

Sta. Elena, ipanalangin mo kami!



๐Ÿ“ท: NP | SOCCOM

Address

San Pedro
Hagonoy
3002

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+63449313538

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baclaran ng Bulacan - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ng Hagonoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Baclaran ng Bulacan - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ng Hagonoy:

Shortcuts

Share