27/05/2026
I PAMAMANATA KAY SAN JOAQUIN
I Sa araw ng Huwebes
Tuwing Huwebes - alalahanin sa pananalangin si APO AQUIN
PANALANGIN KAY SAN JOAQUIN
Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa Iyo. Sa iyong pagkalinga, pinuno Mo ang mga magulang ni Maria ng Iyong kagandahang loob at karilagan sa mga gawaing kabanalan. Sa kanilang piling at pagsasamang matapat, umusbong at namulaklak ang kalinis-linisan nilang anak, ang Mahal na Birheng Ina ng Diyos.
San Joaquin, banal naming tagatangkilik, katangi-tangi ka sa mata ng Diyos. Ang kabutihang loob ng Makapangyarihang Diyos ay nasa iyo. Ang iyong tahanan ay tunay na "bahay dalanginan," pugad ng pananampalataya at paggawa, silid-aralan ng karunungan, kadluan ng kapayapaan at pag-ibig. Mula roon, ang daloy ng biyaya ang umapaw sa buong mundo. ipanalangin mo ang mga ama ng tahanan. upang tularan nila ang diwa ng iyong matibay na pananampalataya, maalab na pagmamahal sa katarungan at pagtitimpi sa sarili nang sumagana ang bunga ng kaligtasan. Nawa ang bawat pamilya ay mamunga ng kabanalan at mapalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan. AMEN