Hermandad de la Asociada y de las Flores de Maria de Hagonoy

Hermandad de la Asociada y de las Flores de Maria de Hagonoy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Hermandad de la Asociada y de las Flores de Maria de Hagonoy, Religious organisation, National Shrine and Parish of Saint Anne, Hagonoy.

23/05/2026
PANALANGIN SA KALINIS-LINISANG PUSONG MAHAL NA BIRHENG MARIAO Kalinis-linisang Puso ngMahal na Birheng Maria,Bukod na pi...
22/05/2026

PANALANGIN SA KALINIS-LINISANG PUSO
NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

O Kalinis-linisang Puso ng
Mahal na Birheng Maria,
Bukod na pinagpala, Bukal ng Biyaya mula sa Diyos
Ikaw na Ina na laging gumagabay sa akin
Inilalapit ko sa iyo nang mataimtim
Ang puso kong tigib ng dusa
Dahil sa makasalanang gawain!
Iyong pakinggan ang natatanging hiling
(banggitin ang kahilingan)
Pinakamamahal na Ina, idulog mo nawa
Sa harap ni Jesus na iyong Anak at aming Panginoon
Ang aking mga hinihiling at ako ay umaasang ito
Ay Kanyang diringgin sa pamamagitan
Ng Kanyang pamamagitan sa Ama,
Ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.

O KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA,
Ipanalangin Mo kami!

20/05/2026

Saint Louis de Montfort’s mission was to bring together a small band of good priests under the banner and protection of Our Lady, to evangelize the poor, and instill a great love for the Blessed Virgin Mary in the hearts of all.

He traveled across France on foot to live and preach among the sick, poor, and needy, and was known as a mystic, missionary, and an extraordinary preacher.

He strove to win over souls by encouraging complete belonging to Christ through Mary.

As Saint Louis wrote,
“I am all yours, and all that I have is yours, O most loving Jesus, through Mary, your holy Mother.” (Treatise on True Devotion, n. 233).

"Pour, pour into the bosom and the heart of Mary all your treasures, all your graces, all your virtues. She is a spiritual vessel, she is a vessel of honor, she is a marvelous vessel of devotion—Vas spirituale, vas honorabile, vas insigne devotionis."(Treatise on True Devotion, n. 178).

But what of Saint Louis de Montfort’s foretelling of future events that are yet to unfold?

In True Devotion to Mary, Saint Louis foresees that devotion to Our Lady will be especially necessary in the latter times, where there will be a great revival of faith.

Saint Louis de Montfort says,
“Almighty God and his holy Mother are to raise up great saints who will surpass in holiness most other saints as much as the cedars of Lebanon tower above little shrubs.” (n. 47)

He added that these great saints, soldiers, and servants of Our Lady,
“will be ministers of the Lord who, like a flaming fire, will enkindle everywhere the fires of divine love. They will become, in Mary’s powerful hands, like sharp arrows, with which she will transfix her enemies.” (n. 56)

“They will be like thunder-clouds flying through the air at the slightest breath of the Holy Spirit. Attached to nothing, surprised at nothing, troubled at nothing, they will shower down the rain of God’s word and of eternal life.

“They will thunder against sin, they will storm against the world, they will strike down the devil and his followers, and for life and for death, they will pierce through and through with the two-edged sword of God’s word all those against whom they are sent by Almighty God.” (n. 57)

“They will combat with one hand, and build with the other: they will overthrow, rout, and crush heretics and their heresies, schismatics and their schisms, idolaters and their idolatries, sinners and their wickedness; they will build the temple of the true Solomon and the mystical city of God.” (n. 48)

When we are burdened with life’s troubles and tribulations, let us not forget that God has a Divine Plan for our lives and that He has destined us for greatness, especially when the trials around us are great.

All things happen for a Providential reason – though it may take a multitude of years to see God’s mysterious plans unfold.

Saint Louis de Montfort, pray for us! 🙏

https://www.churchpop.com/st-louis-de-montfort-marian-devotion-end-times-prophecy/

Debosyon sa Ina ng Laging Saklolo Miyerkules𝙋𝘼𝙉𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙄𝙉𝘼 𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙆𝙇𝙊𝙇𝙊Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa ...
19/05/2026

Debosyon sa Ina ng Laging Saklolo
Miyerkules

𝙋𝘼𝙉𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙄𝙉𝘼 𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙆𝙇𝙊𝙇𝙊

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina.
Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito..

(𝘀𝗮𝗻𝗱𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗵𝗶𝗺𝗶𝗸𝗮𝗻)

Noong ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak.
Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin.
Pinakamamahal na Ina bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin.
Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa Kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina habang kami’y nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila.
Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, makapagbigay ng pag-asa sa mga dukha at walang hanapbuhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, makiisa sa pagkilos ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila’y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa kanya.

Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa.
Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasa sa Iyong mapagmalasakit na pangalangin.
Amen.

𝙈𝙖𝙨𝙞𝙣𝙩𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙄𝙣𝙖, 𝙞𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙢𝙞.






| Panalangin sa La Nina Maria| tuwing MiyerkulesManalangin tayoSa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, AmenPan...
19/05/2026

| Panalangin sa La Nina Maria
| tuwing Miyerkules

Manalangin tayo

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Panginoon, nagpapasalamat kami Iyo dahil sa pagbibigay Mo sa amin ng iyong ina upang maging Ina din namin. Pakinggan mo kami O Batang Maria maging taga-pamamagitan ka po namin.

La Nina Maria, alam namin na ikaw kay tunay namin na Ina. Sa iyong makainang pagmamahal sa bawat isa sa amin ay nag-aalay ka ng panalangin sa ngalan namin at ginagawa mo ang lahat ng magaggawa para sa aming paglalakbay patungo sa langit.

Pinapamanhik naming na dalhin mo ang aming panalangin sa harap ng lulukan ng iyong anak. At ngayon ay hinihiling naming na basbasan kami ng iyong anak at tulungan ang lahat ng mga ina.

Ipagdasal mo kami na gayahin namin ang iyong perpektong mapagkawang gawa na pag-ibig para sa lahat ng tao at sa iyong anak. Ipagdasal mo na kami ay lumago sa kabutihan na kailangan namin tungo sa kabanalan.

Aba Ginoong Maria . . .

La Nina Maria, ipanalangin mo kami.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Imahen: La Nina Maria de Hagonoy

I PANALANGIN KAY SANTA ANAI SA PANG MARTES NA PAMIMINTUHOMinumutya naming Santa Ana, ang kahulugan ng iyong ngala'y Gras...
18/05/2026

I PANALANGIN KAY SANTA ANA
I SA PANG MARTES NA PAMIMINTUHO

Minumutya naming Santa Ana, ang kahulugan ng iyong ngala'y Grasya at Awa, kaya hindi ka kailanman nagbibingi-bingihan sa mga napakukupkop sa iyo. Loobin mong matutuhan namin ang tumpak na kahulugan ng aming buhay sa lupa, na kami'y naritong naglalakbay lamang patungo sa Ama sa langit. Tulungan mo kaming mapalapit kay Hesus at maisabuhay namin ang Salita ng Diyos.
Matupad nawa namin ang aming tungkulin sa buhay at ang kabanalang kailangan sa aming kaligtasan. Sumampalataya nawa kaming lubos sa pag-ibig ni Hesus sa amin at italaga naman namin bilang tugon ang aming buhay, talino, panahon at kakayahan sa ikauunlad ng aming kapwa. Maimulat nawa namin ang iba sa paghahari ng Diyos sa kanila. Turuan mo kaming ipaibig si Hesus at si Maria sa lahat ng tao sa aming sambayanan at maakit ang lahat na maglingkod sa kapwa. Maging Kristiyano nawa ang aming pamumuhay at mabuo kami sa isang Kristiyanong pamayanan, upang matupad ang tinuro ni Kristong Bagong Kaayusan ng pag-iibigan, katarungan, kapayapaan at kasaganaan sa buhay.

Pinagpalang Santa Ana, gamutin mo ang sugat ng aming kapalaluan, kasakiman, pagkamakasarili, pag-iimbot, pagsasamantala at pang-aapi. Pawiin mo ang aming pagkakawatak-watak at buklurin mo kami sa pag-ibig ng Espiritu Santo. Iligtas mo kami sa panganib, aliwin sa kapighatian at hanguin sa kahirapan. Lalung-lalo na, butihing Santa Ana, tulungan mo kaming magkamit ng isang tanging biyayang kailangang-kailangan namin.

(Banggitin ang mga kahilingan.)

Tugunin mo nang buong giliw ang taimtim naming dalangin.










Address

National Shrine And Parish Of Saint Anne
Hagonoy

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hermandad de la Asociada y de las Flores de Maria de Hagonoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share