24/05/2026
PANALANGIN KAY SAN JOSE
Lunes
Aba, Tagapangalaga ng Tagapagligtas, kabiyak ng Mahal na Birheng Maria. Sa iyo ipinagkatiwala ng Diyos ang kaisa-isa niyang Anak; sa iyo nagtiwala si Maria; sa piling mo, si Kristo ay naging tao.
Maging ama ka rin sa amin, Pinagpalang Jose, at gabayan mo kami sa landas ng buhay. Ihingi mo kami ng biyaya, awa at tapang, at ipagtanggol kami sa lahat ng masama.
Amen.
Isinalin sa wikang Pilipino ni Bro. Leo R Ocampo
Mula sa Liham Apostoliko ng Banal na Papa Francisco
Patris Corde: “Taglay ang Puso ng Isang Ama”
[Disyembre 08, 2020 - Disyembre 08, 2021]
Ika-150 Taong Anibersaryo ng pagpapahayag kay San Jose bilang Patron ng Simbahan sa buong daigdig)