25/08/2026
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐๐ฟ๐ผ: ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ผ
โ
โHindi lamang sa isang tao nakasalalay ang pagkakatayo ng Kapilya ng Palapat Centro.
โ
โSa pamamagitan ng mga donasyon at bukas-palad na pagtulong ng mga mamamayan, kasama ang suporta ni Gobernador Roberto "Obet" M. Pagdanganan, naisakatuparan ang pagtatayo ng Kapilya ng Sentro.
โ
โNoong 1994, sa pangunguna ni Eugenia de Leon Pahati at ng samahan ng mga kababaihan ng barangay, naitayo ang Sentro na Bisita โ isang lugar na naging mahalagang sentro ng buhay-pananampalataya ng buong pamayanan.
โ
โSa mga unang taon nito, naging mahalagang katuwang sa pagpapatuloy ng debosyon kay San Antonio de Padua ang mga taong naglaan ng kanilang panahon, lakas, at kakayahan upang mapanatiling buhay ang pananampalataya ng mga taga-Palapat.
โ
โIsa sa mga kinilala sa paglilingkod ay si Kapitan Antonio H. de Leon, na naging kauna-unahang hermano ng Kapilya ng Sentro.
โ
โMula sa isang munting bisita sa Palapat Bungad, hanggang sa pagkakaroon ng sariling Sentro na Bisita, patuloy na isinulat ng mga taga-Palapat ang kasaysayan ng kanilang pananampalataya. Ngunit ano ang naging kalagayan nito hanggang sa kasalukuyan?
โ
โSama-sama nating tunghayan sa ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป.
โ
โ
โ
โ