Sub-Parish Pastoral Council Medalla Milagrosa Alakan

Sub-Parish Pastoral Council Medalla Milagrosa Alakan Visita ng Medalla Milagrosa ng Sitio Alakan
"Ave Maria Purisima Sin Pecado Concebida"

30/06/2026
Pagbati sa ating kasamang Lingkod!Mula sa Kristiyanong Pamayanan ng Bisita ng Birhen Medalla Milagrosa, kami ay buong pu...
13/05/2026

Pagbati sa ating kasamang Lingkod!

Mula sa Kristiyanong Pamayanan ng Bisita ng Birhen Medalla Milagrosa, kami ay buong puso at galak na bumabati sa iyong tagumpay na nakamtan. Patunay na ang pananampalataya mo sa Diyos at sa birhen ay nag-uumapaw, kaya't hindi ka binigo sa iyong panalangin!

Umasa kang ang aming mga panalangin ay patuloy para sa iyong mga susunod na tagumpay. Sa Diyos ang pinakamataas na papuri!

13/05/2026

Para sa aming minamahal na Kura Paroko, pastol ng aming parokya at tagapagtangkilik ng simbahang buhay patungo sa Panginoon.

Maligayang pagdiriwang ng ika-26 na gunitang taon ng iyong pagkapari!

Patuloy ka nawang kupkupin ng Mahal na Birheng Maria, gabayan araw-araw at patuloy na anggihan ng biyaya ng kabanalan na mag-aalay sa amin patungo sa ating Panginoon.

04/05/2026

Pistang Barrio na!

Taon-taon, tuwing ikalawang linggo sa buwan ng Mayo, ipinagdiriwang at ipinagpapasalamat ang mga pagpapalang ipinagkaloob sa Barrio ng Sto. Rosario, sa tulong at pagkupkop ni Mariang ating Ina at Reyna.

Narito ang talatakdaan ng mga gawain para sa Pasasalamat ng Barrio ng Sto. Rosario.

Ngayong taon, muli namin kayong inaanyayahan upang bilang isang Parokya, tayo ay sama-samang makiisa sa Pistang Barrio 2026!

Viva la Virgen!




25/02/2026

PAANYAYA | Pamparokyang Rekoleksyon

Sa patuloy nating pagtahak tungo sa Muling Pagkabuhay ni Kristo ngayong panahon ng Cuaresma ay inihahandog ng Parokya ng Stmo. Rosario ang isang Rekoleksyon na bukas para sa lahat na may Temang: “Sa Katahimikan, Naroon ang Diyos.”

Ang nasabing gawain ay gaganapin sa ika-15 ng Marso, sa Parokya ng Stmo. Rosario sa ganap na ika-3:00 ng hapon na susundan ng Banal na Misa ng ika-5:00 ng hapon. Inaanyayahin po namin ang lahat na makiisa sa gawaing ito.

Halina at sama-samang pagnilayan at kapulutan ng mga aral ang panahon na ito ng Cuaresma tungo sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo!




Address

Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sub-Parish Pastoral Council Medalla Milagrosa Alakan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share