Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan

Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan - Pahinang Pangkomunikasyon ng Parokya Ecce Agnus Dei! Parish Priest: Rev. Fr. Melchor R.
(1)

Ang Tinig -- Ang Opisyal na page at lathalaan ng Parokya ni San Juan Bautista ng Hagonoy. Upang mapagyabong pa at patuloy na maihatid sa mga tahanan ng bawat mananampalataya ang Salita ng Diyos, isa sa pinakamalaking hakbang ng ating Parokya ang pagbalangkas ng opisyal na pahina nito at pagsabay ng modernong paraan ng komunikasyon. Makalipas ang ilang taon nang unang ipakilala ng Simbahang Katolika ang mga pagbabago sa Komisyon ng Mass Media, patuloy na pinag-aralan at pinag-isipan ang proseso ng pagpapayabong nito at iba't-iba pang inobasyon kung saan mas mailalapit ang mga tao sa pananampalatayang kristiyano.
--
Mula sa ilang, may isang malakas na tinig ang narinig at yumanig sa sangkatauhan. Inihanda ni San Juan Bautista ang daraanan ng Panginoong tutubos sa kasalanan ng sanlibutan. P**a ang kulay na siyang nangingibabaw na siya ring kulay ng pagiging martir niya, simbolo ng pagbibinyag, tupa at watawat ng pagpapahayag sa darating na kasunod niya, ito ay sama-samang bumuo sa mas bukas at mas pinahusay na pahinang pangkomunikasyon ng ating parokya. "Ang Tinig"
Mula sa ilang, patungo sa puso ng bawat mamamayan ng sambayanan ng Diyos. Ignacio

Mahal na Birhen ng Lourdes, Ang Pinipintuhong Birhen ng Parokya: Pebrero11
Pagkakatalaga ng Parokya: Marso 23
Kapanganakan ni San Juan Bautista: Hunyo 24
Kamamatayan ni San Juan Bautista: Agosto 29

Araw ng debosyon kay San Juan Bautista ay sa tuwing ika-24 ng Buwan

Mapagpalang Linggo!Panginoon, kaawaan mo kami.
30/08/2026

Mapagpalang Linggo!

Panginoon, kaawaan mo kami.

๐™Š๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š ๐™„๐™ˆ๐™‹๐™€๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏAma naming makapangyarihan,Ikaw ang aming kanlungan at lakas.Sa gitna ng malakas...
29/08/2026

๐™Š๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š ๐™„๐™ˆ๐™‹๐™€๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ
๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ

Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang aming kanlungan at lakas.
Sa gitna ng malakas na ulan at habagat,
lingapin Mo ang Iyong bayan.

Patahimikin Mo ang unos,
pahupain ang tubig na umaapaw,
at ilayo sa kapahamakan
ang bawat tahanan at pamayanan.

Tulad ng mga alagad na tumawag sa Iyo sa gitna ng bagyo,
kami rin ay buong tiwalang sumisigaw:
โ€œPanginoon, iligtas Mo kami!โ€ (Mt 8:25)

Ipadama Mo ang Iyong awa sa mga nangangamba,
kalakasan sa mga naglilingkod,
at pag-asa sa mga nasalanta.

Sa Iyong salita, Panginoon,
โ€œPinatatahimik Mo ang unos, at humuhupa ang mga alon.โ€ (Awit 107:29)

Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

๐. ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ, ๐ข๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ญ๐š ๐Œ๐จ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐ข๐›๐ข๐  ๐Œ๐จ๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ ๐š๐ฌ.
๐˜‰. ๐˜’๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด.

๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‘๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช.
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜”๐˜ช๐˜จ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช.
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ป๐˜ฐ ๐˜™๐˜ถ๐˜ช๐˜ป, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช.
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฅ, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช.

Sa gitna ng unos, manalig tayo sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan, kalakasan, at pag-asa ng ating mga pamayanan.



Ama naming mapagmahal, salamat po sa buong araw na Iyong ipinagkaloob. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang at pag...
29/08/2026

Ama naming mapagmahal, salamat po sa buong araw na Iyong ipinagkaloob. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang at pagkakasala, at pagkalooban Mo kami ng mapayapang puso habang kami ay nagpapahinga.
Sa paggunita namin sa Pagpapakasakit ni San Juan Bautista, tulungan Mo kaming maging matapang, tapat, at matatag sa pananampalataya. Nawaโ€™y manatili kaming sumusunod sa Iyong kalooban sa bawat araw.
San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.
Amen.


Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir
29/08/2026

Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir



29/08/2026

โ›ช St. John the Baptist Church sa Hagonoy, Bulacan, Lubog sa Baha

BULACAN โ€” Nalubog sa floodwaters ang St. John the Baptist Church sa San Juan, Hagonoy, Bulacan noong August 22, kasunod ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat).

Dahil sa mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig, umabot ang baha sa mismong loob at buong paligid ng makasaysayang simbahan.

๐ŸŒง๏ธ Habagat, Nagdulot ng Patuloy na Pag-ulan

Naranasan ng malaking bahagi ng Bulacan ang walang humpay na buhos ng ulan nitong nakaraang linggo dahil sa epekto ng Habagat, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang komunidad.

Ang bayan ng Hagonoy ay kabilang din sa mga lugar sa lalawigan na naiuugnay sa mga usapin ukol sa umanoโ€™y โ€œghostโ€ flood-control projectsโ€”mga proyektong iniulat o binayaran ngunit hindi umano aktwal na naisagawa.

๐Ÿ“š Quick Backstory:

Kilalang flood-prone area ang Hagonoy, Bulacan dahil sa mababang geographical elevation nito at sa kalapitan sa mga pangunahing ilog at baybayin. Bunsod nito, regular na nakararanas ang bayan ng pagbaha tuwing may matagalang buhos ng ulan o high tide. Samantala, ang mga alegasyon hinggil sa mga flood mitigation project sa lugar ay nananatiling bukas sa kaukulang pagsusuri at imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya.

Ama naming mapagmahal, salamat po sa panibagong araw at sa Iyong mga biyayang patuloy Mong ipinagkakaloob. Sa paggunita ...
28/08/2026

Ama naming mapagmahal, salamat po sa panibagong araw at sa Iyong mga biyayang patuloy Mong ipinagkakaloob. Sa paggunita namin sa Pagpapakasakit ni San Juan Bautista, turuan Mo kaming maging matatag sa pananampalataya at tapat sa katotohanan, tulad niya.
Bigyan Mo kami ng lakas na manindigan sa kabutihan, tapang sa harap ng mga pagsubok, at pusong laging handang sumunod sa Iyong kalooban. Gabayan Mo kami sa lahat ng aming gagawin ngayong araw at ilayo Mo kami sa anumang masama.
San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.
Amen.


PAGGUNITA SA PASYON NI SAN JUAN BAUTISTAAma naming Makapangyarihan, niloob mong si San Juan Bautista ay maging tagapagpa...
28/08/2026

PAGGUNITA SA PASYON NI SAN JUAN BAUTISTA

Ama naming Makapangyarihan, niloob mong si San Juan Bautista ay maging tagapagpauna ng iyong Anak sa kanyang pagsilang at kamatayan. Gawin mong tulad ng kanyang pag-aalay ng buhay para sa katotohanan at katarungan, kami rin ay maging matatag sa pagpapatotoo sa iyong mga aral. Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PAGGUNITA SA PASYON NI SAN JUAN BAUTISTA

Ama naming Makapangyarihan, niloob mong si San Juan Bautista ay maging tagapagpauna ng iyong Anak sa kanyang pagsilang at kamatayan. Gawin mong tulad ng kanyang pag-aalay ng buhay para sa katotohanan at katarungan, kami rin ay maging matatag sa pagpapatotoo sa iyong mga aral. Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ ๐˜š๐˜ฐ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด

Ama naming mapagmahal, salamat po sa Iyong paggabay sa amin sa buong araw na ito. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkuku...
28/08/2026

Ama naming mapagmahal, salamat po sa Iyong paggabay sa amin sa buong araw na ito. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang at pagkakamali, at tulungan Mo kaming matuto mula sa mga ito.
Sa halimbawa ni San Agustin, turuan Mo kaming hanapin Ka nang buong puso at manatiling tapat sa Iyong pagmamahal. Bigyan Mo kami ng kapayapaan ng isip at puso habang kami ay nagpapahinga ngayong gabi.
Ingatan Mo kami at ang aming mga mahal sa buhay. Nawaโ€™y magising kami bukas na may panibagong lakas at pusong handang maglingkod sa Iyo.
San Agustin, ipanalangin mo kami. Amen.

Tampok ang imahen ng San Agustin mula sa Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan


๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐Ž๐Š๐˜๐€Walang misa sa parokya bukas, Agosto 29, 2026, 6:30 ng gabi.  Wala ring misa sa mga bisita ...
28/08/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐Ž๐Š๐˜๐€

Walang misa sa parokya bukas, Agosto 29, 2026, 6:30 ng gabi. Wala ring misa sa mga bisita sa araw ng linggo, Agosto 30, 2026. Ang mga misa sa araw ng linggo, Agosto 30, 2026 sa ating parokya ay sa ganap na ika-7:30 ng umaga at ika-5:00 ng hapon.

MARAMING SALAMAT PO!


Address

Parokya Ni San Juan Bautista, San Juan Hagonoy, Bulacan
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan:

Shortcuts

Share