22/07/2025
π£ππ‘ππππ‘πππ‘ π¦π π£ππ‘πππ’π‘ π‘π πππππ ππππ
Amang Makapangyarihan,
nilikha at nilagyan mo ng kaayusan
ang mundong walang hugis sa simula.
Nang naharap sa malakas na unos sa dagat sa
Galilea si Hesus at ang mga alagad, inutusan lamang niya itong huminto.
Ang dagat ay napayapa at ang mga alagad ay napanatag.
Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad,
dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay lyong iligtas.
Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
San Antonio ng Padua, ipanalangin mo kami.