17/05/2026
RESPONSORIO
I.
Mahal na Poong San Pascual,
ang buhay mo’t kabanalan,
Ay lubos na hinahangaan ng
buong sandaigdigan
Sa buhay at kahirapan,
maawa kami'y tulungan.
II.
Sa lubos mong karapatan,
namumudmod kang tunay.
Biyaya sa kalangitan sa
tanang nananawagan.
Sa buhay at kahirapan,
maawa kami'y tulungan.
III.
Sa altar mo at larawan,
katog ng kababalaghan.
Kami’y pinagbabalaan
mahiwagang mga bagay.
Sa buhay at kahirapan,
maawa kami'y tulungan.
IV.
Ang pagsinta mong dalisay
sa taong makasalanan,
Di mo pinababayaan sa
buhay at kamatayan.
Sa buhay at kahirapan,
maawa kami'y tulungan.
V.
Luwalhati sa Ama,
Luwalhati sa Anak,
Luwalhati sa Espiritu Santo,
Iisang Diyos na totoo.
Sa buhay at kahirapan, maawa kami'y tulungan