MSK San Sebastian Martyr

MSK San Sebastian Martyr Diyosesis ng Gumaca
Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Vicente Ferrer
Munting Sambayanang Kristiyano ni San Sebastian Martyr
Brgy.

Camohaguin, Gumaca, Quezon

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’๐— ๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ณ๐’๐’–๐’Š๐’† ๐‘ถ๐’“๐’ˆ๐’‚๐’…๐’Sa Mabuti...
22/05/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’
๐— ๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ณ๐’๐’–๐’Š๐’† ๐‘ถ๐’“๐’ˆ๐’‚๐’…๐’

Sa Mabuting Balita ayon kay San Juan (Juan 20, 19โ€“23), ipinakita ni Hesus ang Kanyang sarili sa mga alagad at ipinagkaloob ang kapayapaan at ang Espiritu Santo sa kanila. Sa pamamagitan ng Kanyang paghinga, sinabi Niya: โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo.โ€ Isang paalala na ang Espiritu Santo ang nagbibigay lakas, tapang, at gabay upang maipahayag natin ang pag-ibig at katotohanan ng Diyos sa ating buhay.

Sa pagdiriwang ng Pentekostes, ginugunita natin ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostolโ€”ang simula ng matapang na pagpapahayag ng Mabuting Balita sa buong mundo. Nawaโ€™y sindihan din ng Espiritu Santo ang ating mga puso upang tayoโ€™y maging mga saksi ni Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa.

Halinaโ€™t sama-sama tayong manalangin at magpuri sa Panginoon, at buksan ang ating mga puso sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kasalukuyang pong nagaganap ang ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’“๐’–๐’”๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ bilang pagpaparangal kay ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™„๐™จ๐™ž๐™™๐™ง๐™ค ๐™‡๐™–๐™—๐™ง๐™–๐™™๐™ค๐™ง, ang Patron ng mga Ma...
17/05/2026

Kasalukuyang pong nagaganap ang ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’“๐’–๐’”๐’Š๐’”๐’š๐’๐’ bilang pagpaparangal kay ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™„๐™จ๐™ž๐™™๐™ง๐™ค ๐™‡๐™–๐™—๐™ง๐™–๐™™๐™ค๐™ง, ang Patron ng mga Magsasaka.

Pagpapasalamat sa biyaya ng masaganang ani at sa iyong patuloy na paggabay at panalangin para sa aming pamayanan.

๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™„๐™จ๐™ž๐™™๐™ง๐™ค ๐™‡๐™–๐™—๐™ง๐™–๐™™๐™ค๐™ง, ipanalangin mo kami.

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐€๐‘๐€ร‘๐€'๐“ ๐๐€๐‹๐”๐€๐‘๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ ๐’...
13/05/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐
๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐€๐‘๐€ร‘๐€'๐“ ๐๐€๐‹๐”๐€๐‘๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐ˆ๐’๐ˆ๐ƒ๐‘๐Ž ๐‹๐€๐๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐‘
๐— ๐—”๐—ฌ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฏ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ช๐’†๐’๐’”๐’ ๐‘ฉ๐’‚๐’“๐’“๐’†๐’•๐’•๐’

Sa araw na ito, ginugunita natin ang maluwalhating pag-akyat ni Hesukristo sa langitโ€”isang tanda ng Kanyang tagumpay at pangakong mananatili Siyang kasama natin magpakailanman. Nawaโ€™y paalalahanan tayo ng kapistahang ito na itaas din natin ang ating puso at buhay sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa, at tapat na paglilingkod.

Kasabay rin nito ang masayang pagdiriwang ng Araรฑaโ€™t Baluarte sa karangalan ni San Isidro Labrador, patron ng mga magsasaka at manggagawa. Nawaโ€™y maging inspirasyon si San Isidro sa kanyang kasipagan, kababaang-loob, at matibay na pananampalataya sa Panginoon.

Halinaโ€™t sama-sama tayong magpuri, magpasalamat, at makibahagi sa banal at makulay na pagdiriwang ng ating pananampalataya at tradisyon.

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐Œ๐Ž๐“๐‡๐„๐‘'๐’ ๐ƒ๐€๐˜!Sa araw na ito, buong pusong pagpupugay at pasasalamat ang aming iniaalay sa ating Mahal na Ina, ang ...
10/05/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐Œ๐Ž๐“๐‡๐„๐‘'๐’ ๐ƒ๐€๐˜!

Sa araw na ito, buong pusong pagpupugay at pasasalamat ang aming iniaalay sa ating Mahal na Ina, ang Birheng Maria โ€” huwaran ng wagas na pagmamahal, kababaang-loob, at matatag na pananampalataya. Nawaโ€™y patuloy niya tayong gabayan at ipanalangin sa kanyang Anak.

Pagbati rin sa lahat ng mga Ina na walang sawang nagsasakripisyo, nag-aaruga, at nagmamahal nang buong puso para sa kanilang pamilya. Kayo ang ilaw ng tahanan at biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฐ๐’๐’‚

Aming mapagmahal na Diyos,
kami po ay lumalapit sa Iyo nang may pusong puno ng pasasalamat para sa lahat ng mga ina na Iyong ipinagkaloob sa amin. Salamat sa kanilang wagas na pagmamahal, sakripisyo, pag-aaruga, at walang sawang paggabay sa kanilang mga anak at pamilya.

Sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, ang aming mapagkalingang Ina, nawaโ€™y pagpalain Mo ang lahat ng mga ina. Bigyan Mo sila ng lakas sa bawat pagsubok, kapayapaan sa kanilang puso, at kalusugan sa araw-araw. Patuloy Mo silang gabayan upang maging ilaw at inspirasyon ng kanilang tahanan.

Tulungan Mo rin kaming mga anak na masuklian ang kanilang kabutihan sa pamamagitan ng pagmamahal, paggalang, at pag-aaruga sa kanila.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina naming lahat, ipanalangin Mo ang lahat ng mga ina. Yakapin Mo sila ng Iyong pagmamahal at akayin palapit sa Iyong Anak na si Hesus.

Ito po ang aming dalangin, sa ngalan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Amen.

๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚, ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’๐’‚. Ipanalangin mo kami.

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐ˆ๐Œ ๐๐€ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— Punong Taga...
08/05/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐ˆ๐Œ ๐๐€ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐
๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— 
Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ซ๐’๐’š ๐‘ณ๐’–๐’๐’‚ ๐‘ฑ๐’“.

Sa Mabuting Balita ayon kay San Juan (Juan 14, 15โ€“21), ipinapaalala ni Hesus na ang tunay na pagmamahal sa Kanya ay nasusukat sa pagsunod sa Kanyang mga utos. Hindi Niya tayo iniiwan sa ating paglalakbay sapagkat ipinapangako Niya ang pagdating ng Espiritu ng Katotohanan na magiging gabay, lakas, at kaagapay ng bawat mananampalataya.

Sa gitna ng mga pagsubok at pagbabago sa buhay, nawaโ€™y manatili tayong matatag sa pananampalataya at patuloy na mamuhay ayon sa pag-ibig ng Diyos. Tulad ng pangako ni Kristo: โ€œHindi ko kayo iiwanang mga ulila.โ€ Isang paalala na kailanman ay hindi tayo nag-iisa sapagkat ang Panginoon ay laging sumasaatin.

Halinaโ€™t sama-sama tayong magdiwang, makinig sa Salita ng Diyos, at patuloy na magpalalim ng ating pananampalataya sa muling nabuhay na Panginoon.

04/05/2026

Ang Pagdalaw ng Mahal na Birhen ng Antipolo | NUESTRA SEร‘ORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE

San Diego de Alcala Cathedral
Gumaca, Quezon
May 4, 2026

03/05/2026
๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐ˆ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— Punong Tagapag...
02/05/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐ˆ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐
๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— 
Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ซ๐’๐’š ๐‘ณ๐’–๐’๐’‚ ๐‘ฑ๐’“.

Sa Linggong ito, ipinapaalala sa atin ng mga pagbasa ang patuloy na pagkilos ng Diyos sa Kanyang bayanโ€”na sa kabila ng mga pagsubok, ang Kanyang pag-ibig ang nananatiling gabay at lakas ng bawat mananampalataya. Itinuturo rin sa atin na ang tunay na pananampalataya ay nasusukat sa ating kakayahang magmahal at maglingkod sa kapwa.

Sa Mabuting Balita, ibinibigay ni Hesus ang isang bagong utos: ang magmahalan tayo tulad ng Kanyang pagmamahalโ€”isang pag-ibig na handang magsakripisyo, magpatawad, at magbigay ng sarili para sa iba. Ito ang tanda ng pagiging tunay na alagad Niya.

โ€œ๐‘ท๐’๐’๐’, ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚ ๐’๐’‚๐’Ž๐’Š๐’,
๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ ๐’Ž๐’โ€™๐’š ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ.โ€

Nawaโ€™y maging panalangin natin ang mga salitang ito, na sa bawat araw ay piliin nating mamuhay sa pag-ibig ng Diyos at ipakita ito sa ating kapwa.

Halinaโ€™t sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa Panginoon na siyang ating pag-asa at pinagmumulan ng tunay na pag-ibig.

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐…๐‹๐Ž๐‘๐„๐’ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’…๐’‚๐’“๐’‚๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’ ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’“๐’š๐’๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’๐’‚๐’Œ๐’๐’‚๐’Œ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ...
30/04/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐…๐‹๐Ž๐‘๐„๐’ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’…๐’‚๐’“๐’‚๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’•๐’ ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’“๐’š๐’
๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’๐’‚๐’Œ๐’๐’‚๐’Œ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚
๐— ๐—”๐—ฌ ๐Ÿญ-๐Ÿฏ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa banal at makabuluhang gawain ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pag-aalay ng mga bulaklak bilang pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria, kaugnay ng pagdiriwang ng Flores de Mayo 2026.

Sa buong buwan ng Mayoโ€”ang buwang iniaalay sa ating Inaโ€”inaasahan natin ang inyong taos-pusong pakikilahok sa gawaing ito ng pananampalataya at debosyon. Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang paraan upang pagnilayan ang buhay ni Hesus kasama si Maria, habang ang pag-aalay naman ng mga bulaklak ay sumisimbolo ng ating wagas na pagmamahal, pasasalamat, at paggalang sa kanya bilang ating Ina at gabay sa ating paglalakbay sa buhay.

Inaanyayahan lalong-lalo na ang mga kabataan na makiisa at maging aktibong bahagi ng pagdiriwang na ito. Sa inyong murang edad, nawaโ€™y malinang ang mas malalim na pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Kayo ang pag-asa ng Simbahan at ng bayanโ€”sa pamamagitan ng inyong pakikilahok, patuloy nating naipapasa ang ating mayamang tradisyon at pananampalataya sa susunod na henerasyon.

Halinaโ€™t sama-sama nating parangalan ang Mahal na Birheng Maria. Dalhin ang inyong mga bulaklak, isama ang inyong pamilya at mga kaibigan, at mag-alay ng oras para sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

Ang inyong presensya ay isang mahalagang bahagi ng pagdiriwang na ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang Flores de Mayo 2026 nang may pusong nagkakaisa sa pananampalataya at pagmamahal sa ating Ina.

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!Maaari niyo pong balikan at muling panoorin ang isang makabuluhang dula na ginanap noong Ika-23...
26/04/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

Maaari niyo pong balikan at muling panoorin ang isang makabuluhang dula na ginanap noong Ika-23 ng Abril 2026 sa Brgy. San Vicente na pinamagatang:

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—จ๐—”๐—š๐—˜๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ: ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’˜๐’†๐’๐’•๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’‚๐’š๐’‚ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’‚๐’
Script written and directed by ๐‘บ๐’Š๐’“ ๐‘น๐’๐’๐’‚๐’๐’…๐’ ๐‘ฐ. ๐‘ช๐’‚๐’”

Para sa Ika-pitungpong Taong Pagdiriwang ng Pistang Patronal ng Parokya at Dambana ni San Vicente Ferrer

No Copyright Infringement Intended.

4 likes. "Cultural Night | ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜€: ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป"

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— Punong Ta...
25/04/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š ๐’‘๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’!

๐ˆ๐Š๐€-๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐Œ๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐
๐—”๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐— 
Punong Tagapagdiwang: ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ป๐’๐’๐’Š ๐‘น๐’š๐’‚๐’ ๐‘ช. ๐‘ซ๐’†๐’ ๐‘ด๐’๐’“๐’

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Ika-apat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, na ginugunita rin bilang ๐‘ฎ๐’๐’๐’… ๐‘บ๐’‰๐’†๐’‘๐’‰๐’†๐’“๐’… ๐‘บ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’š.

Sa araw na ito, pinagninilayan natin si Kristo bilang Mabuting Pastolโ€”ang gumagabay, nag-aaruga, at nagmamahal sa bawat isa sa atin. Sa Kanyang pangangalaga, tayo ay nakakahanap ng kapayapaan, lakas, at pag-asa sa gitna ng anumang pagsubok sa buhay.

โ€œ๐‘ท๐’‚๐’”๐’•๐’๐’ ๐’Œ๐’โ€™๐’š ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ซโ€™๐’š๐’๐’”,
๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’‚๐’Œ๐’ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’…๐’‚๐’“๐’‚๐’‰๐’๐’‘.โ€

Nawaโ€™y patuloy nating marinig ang Kanyang tinig at sundan ang Kanyang mga yapak, na may pusong puno ng tiwala at pananampalataya. Inaanyayahan din tayong ipanalangin ang mga bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso, upang patuloy na magkaroon ng mabubuting pastol ang Simbahan.

Halinaโ€™t sama-sama tayong lumapit sa ating Mabuting Pastol at magpasalamat sa Kanyang walang hanggang pag-aaruga.

Address

Brgy. Camohaguin
Gumaca

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSK San Sebastian Martyr posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to MSK San Sebastian Martyr:

Share