14/09/2024
Ni San Diego de alcala
Paano ako naging Katekista
2020 si Father Mitas ang nagsabi na kailangan ang bawat Msk ay magkaroon ng katekista dahil hindi siya magpapafirst kumunyon sa mga bata na walang katekista sa Msk.Naawa ako sa mga bata,kaya sabi ko magkakatikesta po ako.Napilitan akong magpalista bilang katekista.
2021 nagkaroon ng BOS basic orientation seminar para sa mga bagong katekista at isa ako sa mga dumalo.doon ko naunawaan ang lahat ng tungkulin ng isang katekista.May takot at kaba sa aking Puso na baka hindi ko ito kayang gawin.Subalit sa tulong ni sister Margaret nakaya kong gawin ang lahat.
Natutuwa ako kapag may nagsasabi sa akin na salamat dahil malaking tulong para sa kanilang mga anak ang aking ginagawa.Ngaun hindi ko na masasabi na NAPILITAN LANG AKO,itoy bukal na sa aking puso at GUSTONG GUSTO KO NA ang Maging Katekista.