Praise Assembly Guinobatan - AG

Praise Assembly Guinobatan - AG Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Praise Assembly Guinobatan - AG, Religious organisation, Zone 7, Magcasili, Mauraro, Guinobatan.

06/04/2026

Magmahalan Tayo
1 Juan 3:11-18 MBBTag
11 Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo. 12 Huwag tayong tumulad kay Cain na kampon ng diyablo. Pinaslang niya ang kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, ngunit matuwid ang mga gawa ng kanyang kapatid.

13 Kaya, mga kapatid, huwag kayong magtaka kung kinapop**tan kayo ng sanlibutan. 14 Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. 15 Mamamatay-tao ang napop**t sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao. 16 Dito natin nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid. 17 Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? 18 Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.

02/09/2025

Mga Awit 2:1-12 RTPV05
[1] Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa? Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala? [2] Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang: [3] Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.” [4] Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan. [5] Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan; sa tindi ng p**t, sila'y kanyang sinabihan, [6] “Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko'y aking itinalaga.” [7] “Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo'y ako na ang iyong ama. [8] Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo, maging ang buong daigdig ay ipapamana ko. [9] Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal; tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.’” [10] Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito'y unawain ninyo: [11] Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak [12] yumukod kayo't magparangal, baka magalit siya't bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Address

Zone 7, Magcasili, Mauraro
Guinobatan
4503

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Praise Assembly Guinobatan - AG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share