San Isidro Labrador Chapel - MSK Cabibihan

San Isidro Labrador Chapel - MSK Cabibihan Ang MSK Cabibihan ay nagsisilbing sagisag ng pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa na hinango ang inspirasyon kay San Isidro Labrador.

Ang MSK na ito ay bahagi ng Parokya ng San Antonio de Padua–Aloneros, Guinayangan, Quezon.

MARSO 22, 2026Lingguhang Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taon Nagsagawa ng “Diwang” sa naban...
26/03/2026

MARSO 22, 2026

Lingguhang Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taon

Nagsagawa ng “Diwang” sa nabanggit na araw ang MSK (Munting Sambayanang Kristiyano) na pinagunahan ni Bro. Arnulfo Ditan na siyang magiging pinakang prayer leader sa nasabing kapilya. Patuloy pa ring ginabayan ni Bro. Celso Francia ng MSK-Malbog ang 3 prayer leaders upang mas mapaghusayan nila ang mga gawaing panrelihiyon. Nagsidalo naman ang mga lokal na mamamayan ng Cabibihan sa nabanggit na pagdiriwang.

26/03/2026
PEBRERO 15, 2026Ika-3 Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taonNgayong araw, nagsagawa  ng “Diwan...
15/02/2026

PEBRERO 15, 2026

Ika-3 Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taon

Ngayong araw, nagsagawa ng “Diwang” ang nasabing MSK (Munting Sambayanang Kristiyano) sa pangunguna ni Bro. Celso Francia. Ginabayan din nito ngayong araw ang 1 sa 4 na magiging opisyal na Prayer Leader na si Bro. Arnulfo Ditan. Nagsidalo naman ang mga lokal na mamamayan ng Cabibihan sa nabanggit na pagdiriwang.

📸Sa kuha ni: Kgwd. Daisy David
✍️Sa panulat ni: Karl Darrell Lupig

15/02/2026

📣 ANUNSYO
Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya na dumalo sa Banal na Misa sa Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday).

Oras ng Misa:
⏰ 6:00 ng umaga
⏰ 8:00 ng umaga

Sa Misa ay magkakaroon ng pagpapahid ng abo, tanda ng pagsisisi at pagsisimula ng banal na panahon ng Kuwaresma.

🙏 Halina’t sama-sama nating simulan ang Kuwaresma sa panalangin, kababaang-loob, at pagbabalik-loob sa Diyos.

Salamat po at nawa’y pagpalain tayong lahat.

LATE UPLOAD❗Pebrero 8, 2026Dahil sa masamang panahon, ipinagpaliban muna ang pagdadaos ng “Diwang” sa kapilya ng San Isi...
11/02/2026

LATE UPLOAD❗

Pebrero 8, 2026

Dahil sa masamang panahon, ipinagpaliban muna ang pagdadaos ng “Diwang” sa kapilya ng San Isidro Labrador - Cabibihan. Kung kaya't isinagawa muna ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.📿

📸Sa kuha ni: Kwd. Daisy David
✍️Sa panulat ni: Karl Darrell Lupig

LATE UPLOAD❗ENERO 25, 2026Unang Diwang ngayong 2026 para sa magiging MSK ng Cabibihan
03/02/2026

LATE UPLOAD❗

ENERO 25, 2026

Unang Diwang ngayong 2026 para sa magiging MSK ng Cabibihan

Halina mga batang Cabibihanin, makiisa tayo sa programang handog ng PYM Aloneros 👦👧📿
01/02/2026

Halina mga batang Cabibihanin, makiisa tayo sa programang handog ng PYM Aloneros 👦👧📿

PEBRERO 01, 2026Ika-2 Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taonNgayong araw, nagsagawa  ng “Diwan...
01/02/2026

PEBRERO 01, 2026

Ika-2 Diwang para sa magiging opisyal na MSK ng Cabibihan ngayong taon

Ngayong araw, nagsagawa ng “Diwang” ang nasabing MSK (Munting Sambayanang Kristiyano) sa pangunguna ni Bro. Celso Francia. Ginabayan din nito ang 2 sa 4 na magiging opisyal na Prayer Leaders na sina: Bro. Arnulfo Ditan at Bro. Claudio Lumukso. Nagsidalo naman ang mga lokal na mamamayan ng Cabibihan sa nabanggit na pagdiriwang.

01/02/2026

Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon - Pebrero 01,2026

Unang Pagbasa ayon kay:

Sofonias 2, 3; 3, 12-13

“Hanapin ninyo ang Poon,kayong mapagpakumbaba,kayong gumaganap ng kanyang kautusan;hanapin ninyo ang katwiran at iyon ang inyonggawin,baka sakaling kayo’y patawarin at iligtas sa araw ng kanyang p**t. At ang iiwan ko roon ay mga taongmapagpakumbaba,na lalapit sa akin upang pasaklolo.Ang natira sa Israel ayhindi na gagawa ng kasamaanat hindi magsisinungaling ni mandarayaman.Uunlad ang kanilang buhayatmagigingpanatag
at wala silang katatakutan.”

Ang Salita ng Diyos!

Ikalawang Pagbasa ayon kay:

1 Corinto 1, 26-31

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

“Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang itinuturing na dakila ng sanlibutan. Kaya’t walang maaaring magmalaki sa harapan ng Diyos. Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo’y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, “Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki.”

Ang Salita ng Diyos!

Ang Mabuting Balita ayon kay:

Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

“Noong panahong iyon, nang makita ni Hesusang napakaraming tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyangmga alagad, at sila’y tinuruan niya ngganito:“Mapalad ang mga aba na walananginaasahan kundi ang Diyos,sapagkatmakakasama sila sa kanyang kaharian.”“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhinnila ang ipinangakongDiyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupadsakalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloobsakanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ngDiyos na mga anak niya.”“Mapalad ang mgapinag-uusig dahil sa kanilang pagsunodsakalooban ng Diyos, sapagkat makakasamasilasa kanyangkaharian.”“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!

25/01/2026

Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon - Enero 25, 2026

Unang Pagbasa ayon kay:

Isaias 8:23-9:3

“Ngunit hindi mananatili ang kadiliman sa lupain ng mga nagdurusa. Noong una'y hinamak ng Panginoon ang lupain ng Zabulon at ng Neftali, ngunit sa huli'y pararangalan niya ang daan patungong dagat, ang lupain sa kabila ng Jordan - ang Galilea ng nga Hentil”

Ang Salita ng Diyos!

Ikalawang Pagbasa ayon kay:

1 Corinto 1:10-13, 17 (Unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga tiga-Corinto)

“Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo sa pangalan ng ating Panginoong Hesukristo na magkaisa kayo sa inyong pananalita at huwag magkaroon ng pagkakampi-kampi sa inyo, kundi maging ganap kayo sa iisang kaiisipan at iisang layunin, sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na may mga alitan sa inyo. Ang ibig kong sabihin, ang bawat isa sa inyo ay nagsasabing, “Ako'y kay Pablo”, “Ako'y kay Apolos”, “Ako'y kay Cefas”, o Ako'y kay Cristo”. Nahahati ba si Cristo? Ipinako ba sa krus si Pablo para sa inyo? O binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo? Sapagakat hindi ako sinugo ni Cristo upang magbautismo, kundi upang ipangaral ang Mabuting Balita - at hindi sa karunungan ng pananalita, upang ang krus ni Cristo ay hindi mawalan ng kapangyarihan”

Ang Salita ng Diyos!

Ang Mabuting Balita ayon kay:

Mateo 4:12-23

“Nang mabalitaan ni Jesus na dinakip na si Juan, bumalik siya sa Galilea. Umalis siya sa Nazaret at nanirahan sa Capernaum, sa tabi ng lawa, sa hangganan ng Zabulon at Neftali, upang matupad ang sinabi ng propeta Isaias: “Ang lupain ng Zabulon at Neftali, ang daan patungong dagat, sa kabila ng Jordan, ang Galilea ng mga Hentil—ang bayang naninirahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; sa mga naninirahan sa lupain ng anino ng kamatayan, sumikat ang liwanag.” Mula noon ay nagsimulang mangaral si Jesus at sinabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos.” Habang naglalakad siya sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid nitong si Andres na naghahagis ng lambat sa lawa, sapagkat sila’y mga mangingisda. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.” Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. Sa paglakad pa roon, nakita niya ang magkapatid na sina Santiago na anak ni Zebedeo at ang kapatid nitong si Juan na nasa bangka kasama ang kanilang ama at inaayos ang mga lambat; tinawag din niya sila, at agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama at sumunod sa kanya. Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinapahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos, at nagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao”.

Address

Cabibihan
Guinayangan
4319

Opening Hours

Monday 7am - 8pm
Tuesday 7am - 8pm
Wednesday 7am - 8pm
Thursday 7am - 8pm
Friday 7am - 8pm
Saturday 7am - 8pm
Sunday 7am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Chapel - MSK Cabibihan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share