14/12/2024
PAANYAYA AT PASASALAMAT
Muli po nating inaanyayahan ang lahat na saksihan at makiisa sa gaganaping Lights On and Launching of PAPASKONG KAGAMITAN PARA SA CONVENTO DE GUINAYANGAN, bukas, araw ng Linggo, ika-15 ng Disyembre, ganap na ika-6:00 ng gabi, sa loob ng simbahan ng Parokya ng San Luis Gonzaga.
Sa ngalan ng Parish Pastoral Council (PPC) at Parish Finance Council (PFC), nais po naming ipaabot ang TAUS-PUSONG PASASALAMAT sa lahat ng ating mga sponsors na patuloy na sumusuporta sa ating proyekto simula pa nang ilunsad natin ito noong Disyembre 15, 2022 na may temang, PAPASKO PARA SA PUNDASYON NG CONVENTO. Sinundan ito ng pangalawang fund raising campaign noong Disyembre 2023 na may temang, BIHISAN NATIN ANG CONVENTO NGAYONG PASKO.
Dahil sa walang sawang suporta at bukas-palad na pagtulong ng ating mga kababayan, nasa Guinayangan man o nasa ibang lugar, mga kasapi ng kapisanang banal, MSK, at ng ating mga kaibigan mula sa iba't-ibang sektor, halos matatapos na ang ating bagong Convento de Guinayangan. Ika nga sa kasabihan, KONTING HINGA NA LANG!
Kaya naman sa pagkakataon pong ito, muli po kaming humihiling ng inyong tulong at suporta para sa PAPASKONG KAGAMITAN PARA SA CONVENTO DE GUINAYANGAN.
Ang anuman pong halaga na ating maipagkakaloob ay malaking ambag sa pagpapatapos at pagsasangkap sa kagamitan ng ating bagong convento.
Dalangin po namin ang pagpapala ng Poong Maykapal sa ating bayan at sa bawat isa sa atin.
Muli, sa ngalan ng PFC at PPC kasama ang ating mga Lingkod Pari, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!