01/09/2025
❤️
PROTIPS - Sept 2, 2025
Focus Is Important
By Maloi Malibiran-Salumbides
Naranasan mo na bang matambakan ng pagkarami-raming trabaho at di mo na alam kung ano ang uunahin mo? Being too stressed and tired oftentimes blur our priorities and vision. Kaya kapag overwhelmed ka na sa dami ng responsibilidad at gawain, panahon na para ikaw ay huminto at muling magfocus.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ang taong focused sa kanyang trabaho ay mas productive kaysa sa taong napakaraming pinagkakaabalahan pero wala namang natatapos. Lahat naman tayo ay may limitadong panahon lamang. Kung gusto mong maging matalino sa paggamit ng iyong oras, kailangang-kailangan na matuto kang mag-focus. Saan naman tayo dapat magfocus?
1) Focus on your priorities. Napakahalagang maglaan ng ilang sandali sa simula ng araw mo para i-identify at i-review kung ano ang mga trabahong dapat mong unahin at tutukan. When you know your priorities it becomes easier to stay focused. Ang sabi ni Andy Stanley sa kanyang aklat na The Principle of Path: How to Get from Where You Are to Where You Want to Be “We don’t drift in good directions. We discipline and prioritize ourselves there.”
2) Focus on your work. Hindi naman masama ang mag-sideline. Kung talagang hindi mapagkasya ang iyong sweldo pantustos sa mga pangangailangan ng pamilya mo, talagang kailangang mayroon kang iba bang sources of income. But make sure that your sideline does not make you lose your focus on your full-time work. Ang sabi nga ni
Alexander Graham Bell, "Concentrate all your thoughts upon the work at hand. The sun's rays do not burn until brought to a focus."
3) Focus on your relationship with God. Isang quotation mula sa "Our Daily Bread" ay ganito ang sinasabi, "The only way to see life clearly is to focus on Christ." Sa isang seminar na aking ibinigay sa ilang kawani ng gobyerno na malapit ng magretiro, tinanong ko sila kung ano ang kanilang plano kapag retired na sila. Marami ang nagsabing, magiging seryoso na sila sa kanilang relationship sa Diyos. Di mo kailangang maghintay ng retirement age bago mo bigyang pansin o halaga ang ugnayan mo sa Diyos. Di nga ba't ang paalala sa atin sa Matthew 6:33 ay "But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.". Kapag naka-focus sa Diyos ang ating buhay, your priorities become clearer and your work more meaningful and happier.
Mahalaga na tayo ay may right focus. Focus on your priorities, focus on your work and focus on your relationship with God.