Macatcatuit Catholic Chapel

Macatcatuit Catholic Chapel A Roman Catholic Chapel established on 1978. It is located at Macatcatuit, Guimba, Nueva Ecija

PABATID:Sa darating pong January 1,2026 ay ipagdiriwang po natin ang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos. Tayo po ay...
30/12/2025

PABATID:
Sa darating pong January 1,2026 ay ipagdiriwang po natin ang Kapistahan ni Maria bilang Ina ng Diyos. Tayo po ay magkakaroon ng Misa rito sa ating chapel sa ganap na ika-9:00 ng umaga. Ang January 1 po ay isang Holy day of Obligation–katumbas po ito ng araw ng Linggo, kung kaya't mahalaga po na makapagsimba po tayo sa araw na ito. Ito na rin po ang magsisilbi nating Misa Pasasalamat para sa pagsapit ng bagong taon.

26/12/2025

Pagbati ng Maligayang Pasko sa ating lahat! Nakabili at naikabit na po ang bagong sound system ng ating chapel. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at kagandahang loob para sa lalong ikagaganda ng ating chapel. Sa pamamagitan po nito ay mas lalo na pong magiging maayos at malinaw ang mga pagdiriwang natin ng Misa. Pagpalain po tayong lagi ng Panginoon.

Noong nakaraang buwan ng Nobyembre, isinagawa sa ating barangay ang 'Dalaw Patron sa Pamilya sa Taon ng Pag-asa (2025)' ...
20/12/2025

Noong nakaraang buwan ng Nobyembre, isinagawa sa ating barangay ang 'Dalaw Patron sa Pamilya sa Taon ng Pag-asa (2025)' na may temang “SAN JUAN EBENGHELISTA, INSPIRASYON NG PAMILYA NA NAGLALAKBAY SA TAON NG PAG-ASA”. Ito ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-160 taon ng ating parokya. Maraming salamat po sa mga pamilyang tumanggap sa ating mahal na patron, San Juan Ebanghelista.

Agosto 10,2025MABUTING BALITA (Lucas 12:32-48)NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Huwag kayong ...
09/08/2025

Agosto 10,2025
MABUTING BALITA (Lucas 12:32-48)

NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at mamigay kayo sa mga dukha! Gumawa kayo ng mga lukbutang hindi naluluma, at mag-impok ng kayamanan sa langit, na hindi nakukulangan sapagkat doo'y walang maka-kalapit na magnanakaw at walang makapaninirang tanga. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan ay naroon din naman ang inyong puso.

"Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma'y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan." Itinanong ni Pedro, "Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?" Tumugon ang Panginoon, "Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,' at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat.

"At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa, ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mula sa pamayanan ng Brgy. Macatcatuit at sa pangunguna ng DKPC Officers ng ating kapilya, isang taos-pusong pasasalamat...
03/08/2025

Mula sa pamayanan ng Brgy. Macatcatuit at sa pangunguna ng DKPC Officers ng ating kapilya, isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinaaabot sa ating naging Lay Minister, Bro. Nestor Picaña sa kanyang paglilingkod sa loob ng anim na buwan dito sa ating kapilya. Dalangin namin ang iyong kaligtasan at kalakasan para sa iyong bagong misyon.

MABUTING BALITA (Lc 12:13-21)-Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNoong panahong iyon, sinabi kay Hesus n...
02/08/2025

MABUTING BALITA (Lc 12:13-21)

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, "G**o, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana." Sumagot siya, "Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?" At sinabi niya sa kanilang lahat: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan." At pagkatapos ay isinaysay ni Hesus ang talinghagang ito: "Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya't nasabi niya sa sarili, 'Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malaki, Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, ayan, marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya't mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya! Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, 'Hangal! Sa gabing ito'y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?' Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos."

-Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

02/08/2025
Tara mag Simbang gabi kasama ng mahal natin sa buhay
09/12/2024

Tara mag Simbang gabi kasama ng mahal natin sa buhay

“Halina, Hesus, Halina!”

Narito po ang schedule ng mga Misa dito sa ating chapel sa darating na Simbang Gabi 2024. Ito ay magsisimula sa December 16 hanggang December 24. Inaanyayahan po tayong lahat na dumalo at makiisa.

09/12/2024

“Halina, Hesus, Halina!”

Narito po ang schedule ng mga Misa dito sa ating chapel sa darating na Simbang Gabi 2024. Ito ay magsisimula sa December 16 hanggang December 24. Inaanyayahan po tayong lahat na dumalo at makiisa.

Agosto 11, 2024Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
11/08/2024

Agosto 11, 2024
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

12/03/2024

Ilang araw na lang po mula ngayon ay atin ng gugunitain ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
Narito po ang Schedule at gawain sa ating parokya 👇👇👇

Address

Guimba
3115

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Macatcatuit Catholic Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share