21/02/2026
Para sa mga gustong bumalik sa ministry.
Hindi ka lang “nawala.” Napagod ka. Nasaktan ka. Nadisappoint ka.
At minsan, tahimik kang umalis dahil pakiramdam mo wala namang nakakapansin.
Alam mo yung feeling na dati excited kang mag-serve.
ikaw unang dumarating, huling umaalis.
Pero ngayon, kahit magbukas lang ng GC nyo sa church, parang mabigat?
Yung dati mong passion, napalitan ng pagod, insecurities, o tanong na:
“May silbi pa ba ako?”
Kung ikaw ito, basahin mo to nang buo.
Maging honest tayo.
Hindi ka lang “busy.”
May mas malalim pa na dahilan diyan.
1. NASAKTAN KA.
May nagsalita ng masakit.
Na-overlook ka. Napahiya ka.
O may leader na hindi naging gentle.
Hindi mo man inamin, pero may sugat na hindi pa gumagaling ngayon.
2. NAHIHIYA KA.
Matagal ka nang hindi active.
Naiisip mo:
“Ano sasabihin nila?”
“Baka isipin nila nag-backslide ako.”
Yung hiya minsan mas malakas pa sa desire mong bumalik.
3. PAGOD KA NA.
Ministry burnout is real. Hindi ka robot.
Nag-serve ka pero walang nag-check kung okay ka pa.
4. May kasalanan kang hindi mo ma-let go.
Feeling mo disqualified ka.
Na parang kailangan mo munang maging “perfect” bago ka bumalik.
Pero ito ang katotohanan:
Hindi ka tinawag ng Diyos dahil perfect ka.
Tinawag ka Niya dahil willing ka at may calling ka.
Kaya ngayon tanongin mo ang sarili mo:
Mas comfortable ka na sa buhay na walang accountability?
Comfort ba ang hinahabol mo, o calling?
Minsan hindi ka makabalik hindi dahil ayaw ka ng Diyos.
Kundi dahil mas pinipili mo ang convenience kaysa commitment.
Kung tinawag ka ng Diyos, hindi Niya basta-basta binabawi ang calling.
Tingnan mo si Pedro.
Nag-deny siya. Tatlong beses.
Public failure.
Pero hindi doon natapos ang kwento niya.
At si Jonas?
Tumakbo palayo sa assignment niya.
Pero hinabol pa rin siya ng Diyos.
Kung hinabol sila, bakit hindi ka?
Kung Handa Ka.
Minsan ang pagbabalik nagsisimula sa simpleng:
Pag-attend ulit.
Pag-message ulit.
Pakikinig ng Preaching
Pagdasal ulit.
Pag-amin na, “Lord, namiss ko ‘To.”
Paano kung ang breakthrough ng isang tao ay nakatali sa “oo” mo?
Paano kung may next generation na naghihintay ng mentoring mo?
Paano kung ang reason kung bakit parang may kulang sa’yo ngayon
ay dahil wala ka sa lugar kung saan ka talaga tinawag?
Hindi pa huli.
Hindi pa tapos.
Hindi ka disqualified.
Ang tanong na lang:
Babalik ka ba?
Kasi baka hindi lang ikaw ang babalik.
May mga buhay na mabubuhay ulit dahil bumalik ka.
At minsan, ang pinaka-makapangyarihang salita na masasabi mo sa Diyos ay hindi “sorry”
Kundi “Here I am. Gagamitin Mo pa ba ako?”