St. John the Evangelist Parish- Guimba, Nueva Ecija

St. John the Evangelist Parish- Guimba, Nueva Ecija The town of Guimba,located at the northern part of Nueva Ecija,is bounded to the north by Talugtug and Munoz :to the east by Quezon and Sto.

Domingo,to the south,by Licab and Tarlac towns of Victoria,Pura and Ramos,and to the west by Cuyapo and Nampicuan

25/08/2026

Agosto 26- Miyerkules sa ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 23, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/08/2026

Agosto 25,Martes - Sa ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 23, 23-26

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Tamang gawin ninyo ang mga ito, ngunit huwag naman ninyo kaliligtaang gawin ang iba. Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang niknik sa inyong inumin, ngunit nilulunok ninyo ang kamelyo!

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan ngunit ang loob nito’y puno ng mga nahuthot ninyo dahil sa kasakiman at pagsasamantala. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang mga nasa loob ng tasa at ng pinggan, at magiging malinis din ang labas nito!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/08/2026

Agosto 24,2026- Lunes sa ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Juan 1, 45-51

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagpupugay at Pasasalamat kay Sir Reynaldo Avera GalaponSetyembre 30, 1946 - Agosto 22, 2026Sa pagpanaw ng isang iginaga...
23/08/2026

Pagpupugay at Pasasalamat kay Sir Reynaldo Avera Galapon
Setyembre 30, 1946 - Agosto 22, 2026

Sa pagpanaw ng isang iginagalang na g**o, layko ministro, dating PPC President, mentor, at mabuting lingkod ng ating Simbahan, buong puso kaming nakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Marami ang kanyang naturuan, marami ang kanyang napayuhan, at marami rin ang kanyang nahikayat na maglingkod.
Sa kanyang mga taon ng paglilingkod, hindi lamang kaalaman ang kanyang ibinahagi, kundi higit sa lahat, pananampalataya, kabutihan, malasakit at pagmamahal sa kapwa.
Bilang isang g**o at mentor, naging gabay siya sa marami.
Bilang isang lingkod ng Simbahan, buong puso niyang inilaan ang kanyang panahon at kakayahan para sa kapakanan ng ating pamayanan.
Maraming salamat po sa lahat ng inyong ginawa at sa lahat ng kabutihang iniwan ninyo sa amin.
Ang inyong mga aral, payo at halimbawa ng paglilingkod ay mananatiling buhay sa puso ng mga taong inyong nahawakan at napagsilbihan.
Sa kanyang pamilya at mga naiwan, nakikiisa po kami sa inyong pagdadalamhati. Nawa'y ang mga magagandang alaala at pagmamahal na kanyang iniwan ay maging lakas at kapanatagan ninyo sa mga panahong ito.
Panalangin:
Panginoon, tanggapin Mo po ang kanyang kaluluwa sa lyong mapagmahal na kaharian. Ipagkaloob Mo sa kanya ang walang hanggang kapahingahan at liwanag na walang hanggan. Amen.

Rest in peace, Sr Rey
amıng minamahal at iginagalang na
g**o at lingkod.
Hindi man namin kayo makakasama pa, ang inyong buhay at paglilingkod ay mananatiling bahagi ng aming alaala.

MARAMING SALAMAT PO. HINDI NAMIN KAYO MALILIMUTAN.

22/08/2026

Agosto 23 Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 16:13-20

Noong panahong iyon, dumating si Jesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?" At sumagot sila, "Ang sabi po ng iba ay si Juan Bautista po kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta."

"Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?" tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit.

At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit." At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Cristo.

21/08/2026

Agosto 22 Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas 1:26-38

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya'y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito.

"Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y tatawagin mong Jesus.

Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan." "Paanong mangyayari ito, gayong ako'y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kanyang kapangyarihan ng Kataas-taasan.

Kaya't banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya'y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao -- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos." Sumagot si Maria, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.

20/08/2026

Agosto 21 Paggunita kay San Pio X, papa

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 22:34-40

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “G**o, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”

Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

19/08/2026

Agosto 20 Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 22:1-14

Noong panahong iyon, muling nagsalita sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan si Hesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’

Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa.

Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod.

Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga langsangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’

Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama’t mabubuti, anupat napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao.

Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”

17/08/2026

Agosto 18 Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 19:23-30

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.”

Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel.

At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

16/08/2026

Agosto 17 Lunes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 19:16-22

Noong panahong iyon, may isang lalaking lumapit kay Hesus at nagtanong, "G**o, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?" Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lamang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos."

"Alin-alin po?" tanong niya. Sumagot si Jesus, "Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa, gaya nang pag-ibig mo sa iyong sarili."

Sinabi ng binata, "Tinutupad ko na pong lahat iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?" "Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan. Kapag ginawa mo iyan, magkakaroon ka ng kayamanan sa langit.

Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin." sagot ni Jesus. Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata, sapagkat siya'y napakayaman.

Address

Faigal Street St. John District
Guimba
3115

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639361637341

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John the Evangelist Parish- Guimba, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. John the Evangelist Parish- Guimba, Nueva Ecija:

Shortcuts

Share