15/09/2026
Noong ika-11 ng Setyembre 2026, isinagawa ang pamamahagi ng relief boxes at libreng pagkain para sa ating mga kababayan, kabarangay, at mga pamilyang naninirahan sa mga kalapit na sitio na lubhang naapektuhan ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.
Ang mga relief boxes ay ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quasi, sa pamamagitan ng Commission on Social Action (CSA), at sa pakikipag-ugnayan sa Parish Pastoral Council (PPC). Ang pamamahagi ng mga ito ay isinagawa sa pangunguna ng Knights of Columbus – San Juan Maria Vianney Council 18500, sa pangunguna ni WGK Mervin Francisco, katuwang ang Commission on Social Action, sa pangunguna ni Worthy Trustee Bro. Abelardo Dionisio.
Layunin ng gawaing ito na maihatid ang agarang tulong at pagkain sa mga pamilyang higit na nangangailangan, bilang tugon sa kanilang kalagayan matapos ang matinding pagbaha. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga organisasyon, naging matagumpay ang gawaing ito bilang pagpapakita ng pagkakawanggawa, pagkakapatiran, malasakit, at tunay na paglilingkod sa kapwa.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating minamahal na Paring Tagapamahala, Rev. Fr. Eugene C. Cruz, sa kanyang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga gawaing naglalayong makatulong sa ating mga kababayan. Lubos din ang pasasalamat sa DSWD, Commission on Social Action, Parish Pastoral Council, at sa lahat ng mga kapatid na Kabalyero at indibidwal na naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito.
Nawa’y ang simpleng handog na ito ay magsilbing biyaya, pag-asa, at inspirasyon sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Patuloy nating isabuhay ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagmamahal, pagkakawanggawa, at paglilingkod sa kapwa.
“Faith in Action through Charity and Service.” ⚔️🙏❤️
Vivat Jesus! Ave Maria!