21/05/2026
𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Pagsisiyam bilang paghahanda sa Pistang Panapos ng Flores de Maria mula Mayo 22-30, 2026. Ang pagdarasal ng Sto. Rosario ay magsisimula sa ika-5:30 ng umaga at susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng umaga. Matapos nito ay magkakaroon ng pag-aalay ng mga bulaklak bilang pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria.
Sa Mayo 31, 2026 ay ating ipagdiriwang ang Pistang Panapos ng Flores de Maria. Magkakaroon po ng Banal na Misa sa ika-6:00 ng umaga at ika-6:00 ng gabi. Pagkatapos ng pagdiriwang sa gabi ay susundan ito ng pag-aalay ng bulaklak at prusisyon pabalik sa bahay ng Hermana. Sama-sama po nating parangalan at alayan ng pagmamahal ang ating Mahal na Ina.