04/06/2026
𝐙𝐔𝐌𝐁𝐀 𝐅𝐎𝐑 𝐀 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄, 𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐀?
Isang malusog at mapagpalang araw po sa inyong lahat! Taos puso ang pasasalamat ng buong samahan ng SPPC Tuklas sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa nagdaang Zumba for a Cause nitong ika-30 ng Mayo, 2026, isang inisyatiba upang bigyang daan ang pagpapasaayos ng ating mahal na Bisita ng Señor Sto. Niño. Makakaasa po kayong ang nalikom na halaga ng programa ay magbubunga ng isang mas maganda at mas maunlad na Bisita na bukas para sa lahat.
Maraming salamat po!