23/08/2026
IKADALAWAMPU'T ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
Sa Ebanghelyo ngayong Linggo, ipinaalala sa atin na ang ating Simbahan at pananampalataya ay nakatayo sa isang matatag na pundasyon. Kapag si Kristo ang sentro at pundasyon ng ating buhay, walang anumang unos ang makapagpapatumba sa atin.
Nawa'y maging matatag ang ating pananalig at manatiling nakatayo sa batong pundasyon ng pag-ibig at katotohanan ni Kristo.
Reb. Padre Eugene C. Cruz
Paring Tagapagdiwang