23/04/2026
โKung dumating na sa punto na ako na ang pinaglilingkuran, Lord kunin mo na ako.โ - +Msgr. Roman Nocon
Sa unang tingin parang mabigat pakinggan. Parang napakatapang na panalangin. Pero kapag pinag-isipan natin nang mabuti, makikita natin na ito ay panalangin ng isang taong tunay na nakaunawa kung ano ang ibig sabihin ng paglilingkod sa Diyos.
Sa Simbahan, madali tayong mahulog sa tukso ng pagiging mahalaga. Kapag may tungkulin tayo, pari, seminarista, lay minister, choir, o altar server, may mga taong gumagalang sa atin. Minsan pinupuri tayo. Minsan pinagsisilbihan pa tayo. At doon nagsisimula ang isang napaka-delikadong bagay, ang pagkalimot kung bakit tayo narito. Hindi tayo tinawag para paglingkuran. Tinawag tayo upang maglingkod.
Ito ang kabaligtaran ng ipinakita ni Kristo. Siya ang Panginoon, Siya ang G**o, pero Siya pa ang naghugas ng paa ng mga alagad. Sa mundong sanay sa kapangyarihan at karangalan, ipinakita ni Kristo na ang tunay na kadakilaan ay nasa kababaang-loob. Ang tunay na pinuno ay hindi yung maraming nagsisilbi sa kanya, kundi yung handang magsilbi kahit walang nakakakita.
Kaya napakaganda ng panalangin ni Msgr. Nocon. Para bang sinasabi niya na, โPanginoon, huwag mong hayaang mawala sa akin ang puso ng isang lingkod.โ Dahil kapag ang isang lingkod ng Diyos ay nagsimulang maghanap ng pribilehiyo, ng espesyal na trato, ng papuri, unti-unti nang nawawala ang diwa ng bokasyon. Ang ministeryo ay nagiging posisyon. Ang paglilingkod ay nagiging kapangyarihan.
Ang tunay na paglilingkod ay kadalasang tahimik. Walang spotlight. Walang palakpak. Minsan nga pagod, minsan hindi napapansin. Pero doon mismo nakikita ng Diyos ang puso ng isang tunay na lingkod.
Sana ang panalangin ni Msgr. Nocon ay maging panalangin din natin, โPanginoon, huwag mong hayaang maging sentro ang sarili ko. Turuan mo akong maglingkod. At kung sakaling dumating ang araw na nakakalimutan ko na iyon, ibalik mo ako sa puso ng tunay na paglilingkod.โ
Dahil sa huli, ang pinakamagandang marinig mula sa Diyos ay hindi โIkaw ang pinagsilbihan ng marami,โ kundi, โMabuti at tapat na lingkod.โ
Maraming Salamat sa paglilingkod Lolo Monsi!
-Miguel