25/04/2026
𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐲𝐚’𝐲 𝐤𝐢𝐧𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐋𝐨𝐥𝐨 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐢. 🕊️
Isang Linggo mula nang kinuha siya ng ating Panginoon. Sa panahong ito ng pag-alaala, balikan natin ang mga huling araw ni Lolo Monsi, mga sandaling puno ng luha, kalungkutan, saya, pagmamahalan, at kapayapaan kasama ang ating Obispo, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo,. D.D. ang ating mahal na Kura Paroko, Rdo. Padre Cenon Dennis G. Santos, mga Pari sa Diyosesis ng Malolos, kanyang pamilya at mga taong malapit sa kanyang puso.
Sa bawat ngiti, kwento, at yakap na kanyang ibinahagi, mas lalo nating naramdaman ang kanyang wagas na pagmamahal at kabutihan. Bagamat siya ay wala na sa ating piling, ang alaala ng kanyang masasayang sandali ay mananatiling buhay sa atin, patunay ng isang buhay na tunay na naging makabuluhan. Patuloy nating iingatan ang kanyang mga aral at ipagpapatuloy ang kabutihang kanyang sinimulan.
Hanggang sa muli, Lolo Monsi. 🤍🙏
Video edited by: Ang Gintong Uhay - Soccom
Instrumental Re-arranged and Produced by: Bro. Louise Gabriel Jimenez (Arrangement based on “Susunod Ako” by Papuri Singers)
Short video clips from Bro. Ranz Joseph Villamil