Guadalupe Chapel - SPPC Ilang-Ilang

Guadalupe Chapel - SPPC Ilang-Ilang Official page of Our Lady of Guadalupe Chapel, Barangay Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan

21/06/2026
Sa ngalan ng buong Pamayanan ng Ilang-ilang, kami po ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati at mainit na pagtanggap, Lubh...
20/06/2026

Sa ngalan ng buong Pamayanan ng Ilang-ilang, kami po ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati at mainit na pagtanggap, Lubhang Kagalang-galang Dennis Cabanada Villarojo, D.D., Obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos sa inyong paglilingkod at manatiling ilaw at gabay ng pananampalataya para sa Sambayanan ng Diyos.




PAUNAWA SA MGA MANANAMPALATAYAMinamahal naming mga kapatid kay Kristo,Ipinababatid po namin na walang Banal na Misa sa a...
20/06/2026

PAUNAWA SA MGA MANANAMPALATAYA

Minamahal naming mga kapatid kay Kristo,

Ipinababatid po namin na walang Banal na Misa sa ating bisita mamaya upang magbigay-daan sa gaganaping Visita Pastoral ng ating mahal na Obispo, Lubhang Kagalang-galang na Dennis Villarojo, D.D.

Sa halip, malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ating Parokya, na pangungunahan mismo ng ating Obispo. Ito ay isang natatanging pagkakataon upang maranasan ang pagkakaisa ng ating pamayanan at matanggap ang kanyang paggabay bilang pastol ng ating Diyosesis.

Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at panalangin para sa tagumpay ng gawaing ito.

Maraming salamat po at pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Maykapal. πŸ™

β€œSapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, naroon ako sa gitna nila.” (Mt. 18:20)

Maligayang ika-44 na Guning Taon sa Pagkapari, Papa Leon XIV! Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod at paggab...
19/06/2026

Maligayang ika-44 na Guning Taon sa Pagkapari, Papa Leon XIV! Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod at paggabay sa Simbahan. Patuloy namin kayong ipinagdarasal.






Bukas, isang pagpapalang araw para sa ating pamayanan! Sama-sama nating salubungin at tanggapin ang ating Obispo, Lub. K...
19/06/2026

Bukas, isang pagpapalang araw para sa ating pamayanan!

Sama-sama nating salubungin at tanggapin ang ating Obispo, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., sa kanyang Visita Pastoral sa ating minamahal na Parokya at Kapilya. Nawa’y maging makabuluhan ang kanyang pagbisita at maghatid ng biyaya, pag-asa, at inspirasyon sa bawat isa.





πŒπ€πƒπ‘π„ ππ„π‘π„π†π‘πˆππ€ 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐀𝐃𝐀𝐋𝐔𝐏𝐄Kasalukuyang nasa Manila Cathedral ang Pilgrim Image, gayundin ang Tilma ng Mahal na Birhen ...
14/06/2026

πŒπ€πƒπ‘π„ ππ„π‘π„π†π‘πˆππ€ 𝐃𝐄 𝐆𝐔𝐀𝐃𝐀𝐋𝐔𝐏𝐄

Kasalukuyang nasa Manila Cathedral ang Pilgrim Image, gayundin ang Tilma ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na nagmula sa kaniyang Basilica sa Mexico.

Simula ngayong Hunyo hanggang Disyembre 2026 ay maglilibot sa iba't ibang simbahan sa buong Pilipinas ang nasabing imahen para sa Our Lady of Guadalupe - Philippine Pilgrimage 2026. Viva, La Guadalupana!




13/06/2026
PABATIDMamaya, Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon, sa ika- 13 ng Hunyo, tayo po ay magkakaroon muli ng Banal na Misa sa...
12/06/2026

PABATID
Mamaya, Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon, sa ika- 13 ng Hunyo, tayo po ay magkakaroon muli ng Banal na Misa sa ating Kapilya na pangungunahan ni Rdo. P. Ping Sison, pari mula sa ating Seminaryo Mayor ng Inmaculada Conception sa ganap na ika 7:30 ng Gabi maraming salamat po!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating Banal na Misa. Maraming Salamat po!





Address

Ilang-Ilang
Guiguinto
3015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guadalupe Chapel - SPPC Ilang-Ilang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share