Ministry of the Altar Servers of Gubat Saint Anthony de Padua Parish

Ministry of the Altar Servers of Gubat Saint Anthony de Padua Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of the Altar Servers of Gubat Saint Anthony de Padua Parish, Religious organisation, Gubat, Sorsogon, Gubat.

✨ HAPPY ALTAR SERVERS MONTH! ✨Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang dedikasyon, pananampalataya, at tapat na pagliling...
01/08/2026

✨ HAPPY ALTAR SERVERS MONTH! ✨
Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang dedikasyon, pananampalataya, at tapat na paglilingkod ng bawat altar server sa banal na dambana.
Maraming salamat sa inyong pagiging tapat na lingkod ng Diyos. Nawa'y patuloy kayong gabayan ng Panginoon at ni San Antonio de Padua sa inyong ministeryo.
"Whoever serves Me must follow Me." — John 12:26
Happy Altar Servers Month! 🤍🙏
Ministry of Altar Servers – Gubat
Parokya ng San Antonio de Padua
Gubat, Sorsogon

MINISTRY OF ALTAR SERVERS – GUBATMeeting and PracticeMaraming salamat sa ating mga Senior Altar Servers sa inyong oras, ...
26/07/2026

MINISTRY OF ALTAR SERVERS – GUBAT

Meeting and Practice

Maraming salamat sa ating mga Senior Altar Servers sa inyong oras, tiyaga, at dedikasyon sa pagtuturo at pagpa-practice sa ating mga Junior Altar Servers. Nawa'y patuloy nating pagyamanin ang disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa paglilingkod sa Panginoon.

Sama-sama tayong lumago sa pananampalataya at maging tapat sa ating ministeryo.

Ad Majorem Dei Gloriam! 🤍🙏

Ministry of Altar Servers – GubatServing the Lord with discipline, unity, and joy. 🤍✝️Isa sa mga pinakahihintay ng bawat...
18/07/2026

Ministry of Altar Servers – Gubat
Serving the Lord with discipline, unity, and joy. 🤍✝️
Isa sa mga pinakahihintay ng bawat altar server ay ang Installation and Renewal of Commitment. Ngunit bago namin marating ang mahalagang araw na ito, dumaan muna kami sa qualifying examination bilang bahagi ng aming paghahanda.
Hindi lamang ito pagsusulit ng kaalaman tungkol sa liturhiya at paglilingkod sa altar, kundi pagsubok din ng aming kahandaan na gampanan ang aming tungkulin nang may disiplina, pananampalataya, at pagmamahal sa Diyos.
Lubos kaming nagpapasalamat kay Rev. Lorenzo Ramón Borja sa kanyang paggabay, pagbibigay ng formation, at pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman na naging inspirasyon sa aming lahat. Ang kanyang mga turo ay patuloy na magpapatibay sa aming bokasyon bilang mga altar server.
Nawa'y ang bawat hakbang ng paghahandang ito ay magbunga ng mas tapat, mas mapagkumbaba, at mas masayang paglilingkod sa Panginoon. Patuloy kaming mananalangin at magsisikap na maging karapat-dapat sa misyong ipinagkatiwala sa amin.
"Hindi lamang ang pagsusuot ng alb ang mahalaga, kundi ang pusong handang maglingkod sa altar ng Panginoon." 🙏

Minsan napapagod. Minsan nawawalan ng gana. Minsan naiisip mong tumigil. Pero bago mo isuko ang iyong paglilingkod, alal...
13/07/2026

Minsan napapagod. Minsan nawawalan ng gana. Minsan naiisip mong tumigil. Pero bago mo isuko ang iyong paglilingkod, alalahanin mo kung bakit ka unang lumapit sa altar. Hindi ka tinawag ng Diyos dahil perpekto ka—tinawag ka Niya dahil handa kang maglingkod. 🤍🙏
Kung matagal ka nang hindi aktibo, tandaan mo: bukas pa rin ang pintuan ng simbahan at bukas pa rin ang puso ng Diyos. Ang iyong lugar sa Kanyang altar ay hindi nakakalimutan. Bumalik ka. Ang Diyos ay naghihintay. ✝️
"Ang nagtitiyaga hanggang wakas ay siyang maliligtas." — Mateo 24:13

Magtiwala ka sa Diyos. ✝️Kahit hindi mo pa nakikita ang kasagutan sa iyong mga panalangin, huwag kang mawalan ng pag-asa...
11/07/2026

Magtiwala ka sa Diyos. ✝️
Kahit hindi mo pa nakikita ang kasagutan sa iyong mga panalangin, huwag kang mawalan ng pag-asa. Alam ng Diyos ang landas na iyong tatahakin at ang tamang oras para sa lahat. Patuloy ka lang manampalataya, sapagkat ang Kanyang plano ay laging higit na maganda kaysa sa ating inaasahan. 🤍🙏
"Trust in the Lord with all your heart." — Proverbs 3:5







✝️🤍

🙏 Ang paglilingkod sa altar ay hindi lamang tungkulin, kundi isang pribilehiyo at biyaya.Sa bawat pagsilbi, ipinapakita ...
11/07/2026

🙏 Ang paglilingkod sa altar ay hindi lamang tungkulin, kundi isang pribilehiyo at biyaya.
Sa bawat pagsilbi, ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng disiplina, kababaang-loob, at pananampalataya.
Mga Bro, magkita-kita tayo ngayong Linggo at sama-sama nating paglingkuran ang Panginoon nang may kagalakan.
"Whoever serves Me must follow Me." – John 12:26
See you this Sunday! 🤍🙏

Hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at paglilingkod, pero kapag ang puso ay para sa Diyos, nagiging posible ang laha...
27/06/2026

Hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at paglilingkod, pero kapag ang puso ay para sa Diyos, nagiging posible ang lahat. ✨🙏

Isang Sakristan na patuloy na humuhubog ng kaalaman at pananampalataya para sa mas magandang kinabukasan. ❤️

Ministry of Altar Servers Gubat

Happy Mothers Day sa lahat ng mga nanay na buong pusong sumusuporta sa kanilang mga anak na Sakristan. 🙏Sa bawat maagang...
09/05/2026

Happy Mothers Day sa lahat ng mga nanay na buong pusong sumusuporta sa kanilang mga anak na Sakristan. 🙏
Sa bawat maagang paggising, pag-aayos ng aming kasuotan, pag-aalala kung nakakain na ba kami, at walang sawang pag-intindi sa aming paglilingkod sa simbahan ramdam na ramdam namin ang tunay ninyong pagmamahal. 💖
Salamat po dahil kahit minsan napapagod kayo, hindi ninyo kami pinapabayaan at patuloy ninyo kaming ginagabayan palapit sa Diyos. Kayo po ang unang nagturo sa amin ng pananampalataya, kabutihan, at pagmamahal.
Hindi man namin palaging nasasabi, pero mahal na mahal namin kayo. Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon at ni Mama Mary araw araw Happy Mother’s Day po sa lahat ng mapagmahal na ina.

Ministry of Altar Servers – GubatNaglilingkod sa Panginoon nang may disiplina, pagkakaisa, at kagalakanNagkaroon kami ng...
25/04/2026

Ministry of Altar Servers – Gubat
Naglilingkod sa Panginoon nang may disiplina, pagkakaisa, at kagalakan
Nagkaroon kami ng makabuluhang pagpupulong kaugnay ng nalalapit na Vicarial Altar Servers and Youth Sports Fest. Hindi man marami ang nakadalo, nanatiling puno ng saysay ang aming pagtitipon, sapagkat ang tunay na halaga nito ay hindi nasusukat sa dami, kundi sa dedikasyon at pusong handang maglingkod.
Sa aming meeting, tinalakay namin ang mga paghahanda, tungkulin, at mga dapat isaalang-alang upang maging maayos at matagumpay ang nasabing gawain. Layunin naming hindi lamang magtagumpay sa palakasan, kundi mas lalo pang mapagtibay ang samahan, disiplina, at pananampalataya bilang mga kabataan ng simbahan.
Sa pangunguna ni Rev. Lorenzo Ramón Borja, kami ay ginabayan hindi lamang sa mga praktikal na aspeto ng paghahanda, kundi pati sa mas malalim na kahulugan ng aming pakikilahok—na ang bawat gawain ay isang paraan ng paglilingkod at pagbibigay-luwalhati sa Panginoon.

Ministry of Altar Servers – GubatNaglilingkod sa Panginoon nang may disiplina, pagkakaisa, at kagalakanHindi man marami ...
20/04/2026

Ministry of Altar Servers – Gubat
Naglilingkod sa Panginoon nang may disiplina, pagkakaisa, at kagalakan
Hindi man marami ang nakadalo sa aming meeting, nananatili pa rin itong makabuluhan. Hindi nasusukat sa dami ang halaga ng paglilingkod, kundi sa katapatan at pusong iniaalay sa Panginoon. Maaaring ang iba ay nagpapahinga pa matapos ang nakakapagod ngunit makabuluhang pagdiriwang ng Holy Week.
Sa aming pagpupulong, binalikan namin ang mga tungkulin sa altar at nag-usap kung paano pa mas mapapabuti ang aming paglilingkod sa mga susunod na misa. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging handa, maayos, at may paggalang sa bawat gawain sa simbahan.
Sa pamamagitan ng formation na ibinahagi ni Rev. Lorenzo Ramón Borja, mas lalo naming naunawaan na ang pagiging sakristan ay hindi lamang tungkulin, kundi isang biyaya at responsibilidad na dapat gampanan nang may puso, disiplina, at pananampalataya.
Kahit kakaunti man kami, mahalaga pa rin ang bawat pagkakataon ng pagtitipon. Nawa’y sa mga susunod na meeting ay mas marami nang makiisa at patuloy kaming magtulungan sa tapat at masayang paglilingkod sa Diyos.

Address

Gubat, Sorsogon
Gubat

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of the Altar Servers of Gubat Saint Anthony de Padua Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share