30/12/2023
Bible Devotion
Saturday, December 30, 2023
Genesis 28:15
Tandaan mo ,susubaybayan kita at ipagtatanggol saan kaman mag punta,at ibabalik kita sa lupaing ito.Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo".
Pagninilay :
Kahit ano pang problemang pagdadaanan mo sa buhay , kung ikaw ay isang mananampalataya sa Dyos ay sasamahan ka nya , hindi ka nya iiwan ni pababayaan man. Kung hindi mo naiintidihan at hindi mo kayang harapin ang mahirap na sitwasyon sa buhay mo , magtiwala ka at magpakatapamg , dahil kasama mo ang Dyos sa laban ng buhay at siguradong magtatagumpay ka, at sa bawat panalangin natin ng may pananampalataya ay kanyang ipagkakaloob dahil walang mahirap sa ating Dyos .
Panalangin :
Maawaing Diyos , salamat sa Iyong katapatapatan sa iyong mga pangakong aking panghahawakan habang ako’y nabubuhay , Amen🙏