21/05/2026
Vacation Church School 2026
Moving Up Ceremony
May 16, 2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon para sa matagumpay na pagtatapos ng ating Vacation Church School 2026 noong nakaraang Sabado, Mayo 16, 2026.
Maraming salamat sa lahat ng mga batang naging bahagi ng VCS 2026 at sa kanilang mga magulang na nagbigay ng suporta, tiwala, at pakikiisa sa programang ito. Tunay na naging makabuluhan at masaya ang bawat araw dahil sa inyong pakikilahok at pagmamahal.
Lubos din naming pinasasalamatan sina Rev. Billy S. Antonio, Bro. Jonyphere G. Dela Vega, Dcn. Marcuz Ellie Utulo, Ms. Irish Jane T. Cubacub, at Engr. Mark Aldrick G. Galicia para sa kanilang suporta, inspirasyon, at paggabay sa buong programa.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Mission Council, Kababaihan, Kalalakihan, at lalo’t higit sa mga kabataang nagsilbing teachers, assistant teachers, at staff na buong pusong naglaan ng oras, pagod, at serbisyo upang maging matagumpay ang VCS 2026.
Maraming salamat din sa lahat ng sponsors mula unang araw hanggang sa pagtatapos na naging instrumento upang maging makabuluhan at masaya ang programang ito para sa ating mga bata.
Hanggang sa muli nating pagsasama, patuloy nating dalhin ang mga aral at pagmamahal ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.