24/11/2024
๐๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ข๐
๐๐๐ญ๐ญ๐ก๐๐ฐ ๐๐:๐๐-๐๐
22 Pagkatapos, pinasakay agad ni Jesus sa bangka ang mga tagasunod niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. 23 Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi. 24 Nang oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga tagasunod niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin. 25 Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26 Pagkakita ng mga tagasunod na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng โMulto!โ dahil sa matinding takot. 27 Pero agad na nagsalita si Jesus, โAko ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob.โ 28 Sumagot si Pedro sa kanya, โPanginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nสผyo ako riyan na naglalakad din sa tubig.โ 29 โHalika,โ sabi ni Jesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Jesus. 30 Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, โPanginoon, iligtas nสผyo ako!โ 31 Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, โKay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?โ 32 Pagkasakay nilang dalawa sa bangka, biglang tumigil ang malakas na hangin. 33 At sinamba siya ng mga nasa bangka at sinabi, โTalagang kayo nga po ang Anak ng Dios.โ 34 Nang makatawid sila ng lawa, dumaong sila sa bayan ng Genesaret. 35 Nakilala ng mga taga-roon si Jesus at ipinamalita nila sa mga karatig lugar na naroon siya. Kaya dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit sa kanila. 36 Nakiusap sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.
1. "Tinitiyak sa atin ni Jesus ang Kanyang presensya; kaya't hindi tayo dapat matakot. Sa halip, magpakatatag tayo." - v. 22-27
2. "Habang imposibleng maglakad sa tubig nang hindi lumulubog, nagawa ito ni Pedro nang siya ay magtiwala sa presensya ng Panginoon at sumunod sa utos na lumapit sa Kanya." - v.28-29.
3. "Ang pagdududa at takot ay nagpapahina sa ating pananampalataya at nagiging sanhi ng ating paglubog, tulad ng kay Pedro." - v.30-32.
4. "Lahat ng lumalapit kay Jesus nang may pananampalataya at humahawak sa Kanya ay gagaling." - v.33-36.