Feast of St. Catherine of Alexandria 2025

Feast of St. Catherine of Alexandria 2025 This page is intended for the Official announcements and updates on the 2025 Parish Celebration for the Feast day of St. Catherine of Alexandria.

Sa saliw ng Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, narito po ang Imno kay Sta. Catalina ng Alejandria. Maligayang Ka...
25/11/2025

Sa saliw ng Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, narito po ang Imno kay Sta. Catalina ng Alejandria. Maligayang Kapistahan po sa ating lahat!






Ngayong Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ating dasalin ang panalangin kay Sta. Catalina ng Alejandria. Ating h...
25/11/2025

Ngayong Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ating dasalin ang panalangin kay Sta. Catalina ng Alejandria. Ating hilingin sa ating Pintakasi ang panalangin na maging tulad niya sa pagiging matapang at banal.

Santa Catalina ng Alejandria, ipanalangin mo kami!






MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SANTA CATALINA NG ALEJANDRIA!Masaya at puno ng pasasalamat nating ipinagdiriwang ang Araw ng Da...
24/11/2025

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SANTA CATALINA NG ALEJANDRIA!

Masaya at puno ng pasasalamat nating ipinagdiriwang ang Araw ng Dakilang Kapistahan ng Pagkamartir ng ating Pintakasing Sakdal Giting, Santa Catalina ng Alejandria, Birhen at Martir, Patrona ng mga Pilosopo at ng ating Parokya at Bayan. Siya ay patuloy na nagiging huwaran para sa lahat at gabay tungo sa kabanalan at pag-asa. Nawa sa patuloy nating pagkilala sa kanyang katapangan, katapatan at pag-ibig sa Diyos, matulad din tayo sa ginawa niyang pagtindig sa katotohanan at pananampalataya.

Halina esposa ni Kristo, at tanggapin mo ang koronang inilaan sayo ng Diyos magpasawalang hanggan.

Santa Catalinang Birhen, kami po ay Idalangin!





SINO SI SANTA CATALINA?Ngayong araw ay ginugunita natin ang Araw ng Pagkamartir ng ating Patronang Bunyi, si Santa Catal...
24/11/2025

SINO SI SANTA CATALINA?

Ngayong araw ay ginugunita natin ang Araw ng Pagkamartir ng ating Patronang Bunyi, si Santa Catalina ng Alejandria, atin sandaling kilalanin siya at nawa ay atin ding tularan ang halimbawa niya sa pananatili sa pananampalataya sa kabila ng pag-uusig

Santa Catalina ng Alejandria, Ipanalangin mo Kami!






VISPERAS MAYORESNgayong kapanapanabik na Ikasiyam na Araw ng ating Nobenaryo sa karangalan ni Sta. Catalina ng Alejandri...
24/11/2025

VISPERAS MAYORES

Ngayong kapanapanabik na Ikasiyam na Araw ng ating Nobenaryo sa karangalan ni Sta. Catalina ng Alejandria, Nobyembre 24. Ang ating Banal na Misa ay pangungunahan ni Rdo. Padre Paul Ortiz at paghohomilya ni Rdo. Padre Ramon Capuno at ng mga sumusunod na tagapagtaguyod.




PISTANG PATRONA 2025Ngayong Bisperas ng Kapistahan ni Sta. Catalina, malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa ...
23/11/2025

PISTANG PATRONA 2025

Ngayong Bisperas ng Kapistahan ni Sta. Catalina, malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa mga Banal na Misa at Prusisyon bukas, Nobyembre 25, 2025 sa Dakilang Kapistahan ng ating Pintakasi at Patronang Birhen at Martir.




23/11/2025
IKAWALONG ARAW NG NOBENARYODakilang Kapistahan din ng Pagkahari ng Panginoon sa Sanlibutan na tumapat sa ating Ikawalong...
22/11/2025

IKAWALONG ARAW NG NOBENARYO

Dakilang Kapistahan din ng Pagkahari ng Panginoon sa Sanlibutan na tumapat sa ating Ikawalong Araw ng Pagsisiyam. Ang ating mga tapagtaguyod ay ang mga sumusunod. Ang Banal na Misa ay pangungunahan ni Rdo. Padre Alvin Ramos, Kura Paroko ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa Aringin, Moncada .




Address

Poblacion 01
Gerona
2302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Feast of St. Catherine of Alexandria 2025 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category