Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan

Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan REGULAR WEEKLY ANTICIPATED MASS, Every Saturday, 4:00PM Ang Capilia ni Sta. Kasalukuyang katabi ng Kapilya ang Balikatan Plaza ng Barangay Pinagtipunan.

Teresita ay ang nag-iisang Kapilya sa Bayan ng General Trias sa Lalawigan ng Cavite na inialay upang maging Tahanan ng Banal, Orihinal, Matanda at Mapaghimalang Imahe ni Santa Teresita del Niño Jesus. Ang humigit kumulang 400 metro cuadradong lupa ng Capilia ay donasyon mula kay Doña Martina Sarayba Vda de Ferrer. Sa paglipas ng panahon, unti-unting naipasa-ayos ang istruktura ng Kapilya dahil sa

pagkaka-isa ng mga Mamamayan at sa tulong ng Pamilya Ferrer. Kinikilala ang Kapilya dahil sa natatangi nitong dedikasyon sa paghubog sa mga Kabataan sa pamamagitan ng Children Ministry. Ang Children Ministry ay pinasimulan noong dekada 70's kung saan ang mga kabataan ay tinuturuang magbasa ng Bibliya, Magdasal ng Rosaryo, mag-aral ng Katesismo at regular na dumalo sa Banal na Misa. Sa kasalukuyan, regular na nagdaraos ng Banal na Misa (Anticipated Mass) tuwing araw ng Sabado, sa ganap na ika-4 ng hapon.

PRUSISYON NG PASASALAMATAltares • June 01, 2026 ika-6 ng GabiMagdala po tayo ng Kandila na may pansalo.
31/05/2026

PRUSISYON NG PASASALAMAT
Altares • June 01, 2026
ika-6 ng Gabi

Magdala po tayo ng Kandila na may pansalo.

PISTANG NAYON NG PINAGTIPUNAN 2026Ang ating Kapilya ay nakagayak na para sa Misa de Gracia bukas, sa ganap na alas-2 ng ...
30/05/2026

PISTANG NAYON NG PINAGTIPUNAN 2026

Ang ating Kapilya ay nakagayak na para sa Misa de Gracia bukas, sa ganap na alas-2 ng hapon bago ang Karakol ng Nayon.

Ang Pangasiwaan po ng Kapilya ni Santa Teresita sa Brgy. Pinagtipunan ay taos sa pusong nagpapasalamat sa patuloy na pagtupad ng banal na Panata nina G. Mark at Gng. Melissa Colorado Mugol at Pamilya na pagpapagayak ng ating Kapilya tuwing Pista.

Mula sa malikhaing mga kamay nina Jet Rommel Elca at James Praico San Pedro.

Maraming Salamat po!

PISTANG NAYON NG PINAGTIPUNAN 2026KARAKOL NG NAYONMayo 31, 2026 • Pagkatapos ng ika-2 ng hapon na Misa sa KapilyaSa pags...
30/05/2026

PISTANG NAYON NG PINAGTIPUNAN 2026
KARAKOL NG NAYON
Mayo 31, 2026 • Pagkatapos ng ika-2 ng hapon na Misa sa Kapilya

Sa pagsasagawa ng Karakol ng Nayon, ang Simbahan at ang Pamahalaan Nasyonal, Panlalawigan at Lokal ay may paalala sa lahat ng sasali at makikisaya.

Ayon sa Simbahan, ang Karakol ay isang Banal na Gawain ng Pagpapasalamat sa Diyos, kasama ang mga Patron at Patrona ng bawat lugar. Ito ay sayaw-panalangin kung kaya’t marapat na buong kabanalan at may kaayusan natin itong isagawa.

Ayon sa umiiral na mga batas sa ating bansa at lungsod, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng Alak sa mga pampublikong lugar. Kasama dito ang Kalsada kung saan natin isinasagawa ang Karakol. Ang sinumang lalabag ay mayroong karampatang parusa alinsunod parin sa mga ordenansa na ipinaiiral.

Narito ang mga batayan para sa inyong kaalaman:

DILG Memorandum 2026-029: https://drive.google.com/file/d/1r8QaZoYDzQC2Dky1AzmbIeJhzCKGZkH6/view?usp=drivesdk

Provincial Ordinance 443-2024: https://drive.google.com/file/d/1CLnt_TlzZpHnySAUFE6Dpu7lLlMEoe5b/view?usp=drivesdk

City Ordinance 23-41: https://drive.google.com/file/d/1TI3rQeEDhe6MxF5GvX5vWDhP9sRR-zCd/view?usp=drivesdk

Kaya naman, ipinapakiusap po natin sa lahat na iwasan na ang pagdadala ng anumang klase ng Alak sa oras ng Karakol. Tanda ito ng ating pag-galang sa tradisyon na sa atin ay ipinamana at patuloy nating pinagyayaman.

Maraming Salamat po.

PABATID SA PUBLIKO ⚠️🚥Asahan ang mabigat na daloy ng Trapiko sa Barangay Pinagtipunan, City of Gen. Trias, Cavite sa Lin...
29/05/2026

PABATID SA PUBLIKO ⚠️🚥

Asahan ang mabigat na daloy ng Trapiko sa Barangay Pinagtipunan, City of Gen. Trias, Cavite sa Linggo, May 31, 2026, mula ika-2 ng hapon upang magbigay daan sa Karakol ng Nayon na bahagi ng Pagdiriwang ng Pistang Nayon.

Inaabisuhan po ang lahat na maglaan ng oras sa pagbiyahe at humanap ng alternatibong ruta sa nabanggit na araw.

Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa.

Pagdiriwang ng Pistang Nayon ng Pinagtipunan 2026MISA DE GRACIALinggo, Mayo 31, 2026ika-2 ng haponpangungunahan ni Reb. ...
29/05/2026

Pagdiriwang ng Pistang Nayon ng Pinagtipunan 2026

MISA DE GRACIA
Linggo, Mayo 31, 2026
ika-2 ng hapon
pangungunahan ni Reb. Padre Jenny B. Capindo

Sa mga nais pong mag-Pamisa, mangyari pong makipag-ugnayan kina Sis. Ita Culanding at Sis. Delie Muralla. Maaari ding personal na dalhin sa ating Kapilya bago magsimula ang Banal na Misa.


PABATID SA PUBLIKOPansamantala pong walang Banal na Misa sa ating Kapilya ngayong Sabado (May 30), upang bigyang daan an...
29/05/2026

PABATID SA PUBLIKO

Pansamantala pong walang Banal na Misa sa ating Kapilya ngayong Sabado (May 30), upang bigyang daan ang ating Misa de Gracia sa Araw ng Kapistahan, May 31, 2026.

Maraming Salamat po!

25/05/2026

Address

Purok II, Barangay Pinagtipunan
General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Teresita Chapel - Brgy. Pinagtipunan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share