14/11/2025
UYYY! EXCITED NA YAN! 😁 Ngunit bago ang ating pagdiriwang bukas, here are the 𝙁𝙍𝙀𝙌𝙐𝙀𝙉𝙏𝙇𝙔 𝘼𝙎𝙆𝙀𝘿 𝙌𝙐𝙀𝙎𝙏𝙄𝙊𝙉𝙎
𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖 𝙖𝙩𝙩𝙚𝙣𝙙 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙘𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙫𝙞𝙨𝙞𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣, 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙣𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙔𝘿?
- Hindi. Ang pagdalo sa parehong aktibidad – community vistation & PYD, ay kinakailangan para sa renewal at commissioning ng mga youth servants.
𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙥𝙤 𝙗𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙡𝙞𝙩 𝙣𝙜 𝙜𝙧𝙪𝙥𝙤 𝙤 𝙘𝙖𝙢𝙥?
- Hindi. Mahigpit na ipagbabawal ang pagpalit o paglipat sa ibang kampo na naka talaga sa iyo.
𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙥𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜 𝙬𝙖𝙡𝙠-𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙔𝘿?
- Oo. Bukas ang walk-in registration para sa ibang kabataan na pupunta on the same day.
𝘼𝙣𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙤𝙩𝙞𝙣 𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙣𝙖𝙜 𝙬𝙖𝙡𝙠-𝙞𝙣 𝙖𝙠𝙤?
- Maaaring mag damit ng anumang kulay ng damit ang mga walk-in registrants.
𝘼𝙣𝙤 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙘𝙖𝙢𝙥 𝙠𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙮 𝙬𝙖𝙡𝙠-𝙞𝙣 𝙧𝙚𝙜𝙞𝙨𝙩𝙧𝙖𝙣𝙩?
- Malalaman mo ang iyong kampo sa registration sa mismong araw ng PYD.
𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙥𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙩𝙚 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙣𝙩𝙖?
- Ang registration ay magsasara ng saktong 2PM. Kung hindi maiwasang ma-late sa mismong araw ng PYD dahil sa anumang rason, maaaring makipag ugnayan sa PYCC members at ipabatid na ikaw ay mahuhuli sa pagpunta.
𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙥𝙤 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙢𝙪𝙬𝙞 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙖𝙜𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙩𝙞𝙣𝙖𝙠𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙋𝙔𝘿?
- Makipag ugnayan sa sinumang miyembro ng PYCC kung ikaw ay hindi maaaring gabihin o hindi matatapos ang programa sa itinakdang oras. Mag laan ng anumang patunay tulad ng screenshot o mensahe galing sa mga magulang na nagsasabing hindi mo matatapos ang programa at ipakita ito sa PYCC.
𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙤𝙨𝙩𝙚𝙙 𝙣𝙖𝙢𝙚𝙨 𝙥𝙚𝙧 𝙘𝙖𝙢𝙥 𝙨𝙖 𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙥𝙖𝙜𝙚, 𝙖𝙣𝙤 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙘𝙖𝙢𝙥 𝙠𝙤?
- Para sa mga nakapag pre-registration ngunit wala ang pangalan sa camps, kami po ay maglalabas ng mga pangalan ngayong araw (Friday) at kung saang kampo kayo kabilang. Kung sarado na ang pre-registration, mangyaring mag walk-in registration nalang sa araw ng Parish Youth Day.
Pakibasa ng mabuti ang mga kasagutan sa inyong mga katanungan. Kung may iba pang tanong, mangyari na mag message dito sa ating page o kaya sa sinumang miyembro ng Parish Youth Coordinating Council (PYCC). Kita kits, Kaataan ni Inang Ciata! 🥰