The Annunciation Parish Ministry of Altar Servers

The Annunciation Parish Ministry of Altar Servers ๐€๐Œ๐€๐‘๐„ ๐„๐“ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‘๐„ ๐ƒ๐Ž๐Œ๐ˆ๐๐Ž!

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฉ๐จ!Mula sa Ministry of Altar Servers ng Annunciation Parish, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat n...
18/08/2026

๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฉ๐จ!

Mula sa Ministry of Altar Servers ng Annunciation Parish, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng aming pagdiriwang ng kapistahan ni San Tarcisio, Patron ng mga Altar Servers.

Ang pagdiriwang na ito ay naging isang makabuluhang pagkakataon upang magkasama-sama, magkakilakilala, at patibayin ang aming pangako at responsibilidad bilang mga kabataang tinawag upang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkod sa Banal na Misa.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga miyembro ng aming ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น sa kanilang patuloy na suporta, paggabay, at pagtitiwala sa aming mga kabataang Altar Servers. Ang inyong presensya at suporta ay malaking bahagi ng aming patuloy na paglago sa paglilingkod.

Maraming salamat din sa aming SOCOM, sa pangunguna ni ๐—”๐˜๐—ฒ ๐—๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐—ฎ๐—ต ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ at ๐—”๐˜๐—ฒ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐—ฑ, kay ๐—•๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ para sa kanyang makabuluhang pagbibigay ng paunang salita at kay ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น ๐—š๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ผ๐—ฟ na naging tagapagpadaloy ng aming programa. Lubos naming pinahahalagahan ang oras, talento, at sarili na inyong inilaan para sa aming ministry.

Sa aming mga ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Salamat sa paglalaan ninyo ng oras upang makiisa sa aming pagdiriwang at sa patuloy ninyong paggabay sa inyong mga anak na naglilingkod bilang mga Altar Servers. Kayo ay mahalagang bahagi ng kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Nawaโ€™y patuloy ninyo silang suportahan at hikayatin na manatiling tapat sa kanilang bokasyon ng paglilingkod.

Lubos din ang aming pasasalamat namin sa aming tumatayong Kuya at Ate sa aming ministry, maraming salamat po ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น๐—ผ๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ป๐—ผ sa pag-aayos ng pisikal na kaayusan at ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐—”๐˜๐—ฒ ๐—Ÿ๐˜‚๐˜๐—ต ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฎ sa paggabay sa pag-aayos sa Liturhiya. Ang inyo pong walang sawang suporta, paggabay, at pagbibigay ng mga payo ay lubos na nakatulong upang maging mas makabuluhan ang bawat pagdiriwang.

Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa aming minamahal na Kuraparoko, ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ, sa kanyang patuloy na suporta, paggabay, at tiwala sa amin, ang kanyang mga tapat na tagapaglingkod sa dambana ng Panginoon. Maraming salamat po, Padre, sa patuloy na paggabay sa amin upang maging tunay na ๐‚๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ญ๐จ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž, ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ ๐ญ๐จ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ.

๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐€๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐จ๐ซ๐ฌ

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga pamilya, simbahayan at indibidwal na bukas-palad na nagbahagi ng kanilang mga biyaya para sa aming pagdiriwang:

Redondo Family โ€“ โ‚ฑ1,000 at Bangus
Sildo Family โ€“ โ‚ฑ2,000
Lumbo Family โ€“ Pandesal
Ayuyu Family โ€“ Spaghetti
Nocon Family โ€“ Soft drinks at Ice
Paglinawan Family โ€“ Rice
Ocampo Family โ€“ Pansit
Ibarlin Family โ€“ Cake
Jhong Gregorio Jr. โ€“ Mineral Water
Barcelita Family / Amaia โ€“ Sopas
Sean Gabriel Saliba - Rosary
Simbahayan ng Santa Maria โ€“ Boiled Eggs at Hotdogs
Simbahayan ng Our Lady of Peรฑafrancia โ€“ Bico
Simbahayan ng San Jose โ€“ Shanghai
Simbahayan ng San Antonio de Padua โ€“ 2 Bilao ng Pansit
Inang Ciata Cluster / Santo Padre Pio โ€“ 17 pcs. Embutido
Ate Ida (Lancaster) - Menudo and socks
Ate Lani Rull(GRS) - Igado

Sa lahat ng mga Altar Server at sa mga tumulong na nagbahagi ng pagkain, pinansyal na tulong, oras, talento, at panalangin, maraming maraming salamat po. Ang inyong kabutihang-loob ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng aming pagdiriwang.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ni San Tarcisio upang manatiling matatag sa pananampalataya, matapang sa paglilingkod, at tapat sa ating Panginoon.

Muli, mula sa aming mga Altar Servers, maraming salamat sa inyong lahat!

๐•๐ข๐ฏ๐š ๐’๐š๐ง ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐จ!




๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” Nagtapos na ang ating kapistahan, ngunit nananatili sa ating mga puso ang ligaya, pasasalamat, ...
18/08/2026

๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagtapos na ang ating kapistahan, ngunit nananatili sa ating mga puso ang ligaya, pasasalamat, at walang hanggang pagpapala. Tunay na naging matagumpay at makabuluhan ang ating pagdiriwang bilang isang nagkakaisang parokya at pamilya sa pananampalataya.

Lahat ng paghahanda, pagtutulungan, at sabay-sabay na panalangin ay nagbunga ng magagandang alaala na dadalhin natin nang matagal. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal at sa ating mahalagang Patron na si San Tarcisio, na naging lakas at dahilan kung bakit tayo nagkaisa.

Nawaโ€™y manatili ang kwento at halimbawa ni San Tarcisio sa ating isipan at puso. Ang kanyang wagas na pagmamahal sa Diyos at matapang na pagtupad sa tungkulin ay magsilbing gabay natin sa bawat araw. Nawaโ€™y manatili tayong tapat at wagas na maglingkod tulad ng kanyang dakilang ipinamalas.

Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas, at puso upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Nawa'y pagpalain tayong lahat ng Panginoon!




๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹Kasabay ng kapistahan ng  patron na mga Lingkod Dambana na si San Tarsicio, nanumpa rin...
18/08/2026

๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹

Kasabay ng kapistahan ng patron na mga Lingkod Dambana na si San Tarsicio, nanumpa rin ang mga bagong opisyal ng Ministry of the Altar Server, nangako ang bawat bagong opisyal sa lahat ng kapwa lingkod, maninimba, aming kura paroko, at sa harap ng Diyos sa kanilang mga tungkuling at responsibilidad bilang isang responsableng opisyal.

Sa sandaling ito, tinanggap nila ang tungkuling maging haligi ng paglilingkod sa dambana ng Diyos. Tulad ng ating Patron na si San Tarcisio, nawaโ€™y taglayin nila ang katapatan, kababaang-loob, at wagas na pagmamahal sa bawat serbisyong kanilang gagawin.

Sa inyong mga bagong pinuno, nawaโ€™y maging gabay ninyo ang Banal na Espiritu sa bawat hakbang. Ang inyong pagtanggap sa tungkulin ay patunay ng inyong pagsunod sa tawag Niya na maglingkod at maging tapat sa Kanya.

Maligayang pagbati at pagpalain kayong lahat!




๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐จ, ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ...
18/08/2026

๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐“๐š๐ซ๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐จ, ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ƒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐š

Noong Agosto 15, 2026 ay ipinagdiwang ng Ministry of Altar Servers Ang Dakilang Kapistahan ni San Tarcisio. Siya ay kilala bilang ang batang martir ng Santisimo Sakramento at patron ng mga sakristan, unang komunyon, at mga kabataang naglilingkod sa altar. Sya rin ay naging huwaran ng katatagan sa pananampalataya at wagas na pagmamahal sa Banal na Eukaristiya. Sa murang edad, buong tapang niyang tinanggap ang tungkulin na maglingkod sa Diyos at pangalagaan ang Katawan ni Kristo, kahit alam niyang maaari itong magdulot sa kanya ng panganib.

Kasabay ng nasabing pagdiriwang ay ginugunita rin ang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit sa Katawan at Kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria. Bilang ina ni Hesus, hindi pinahintulutan ng Diyos na mabulok sa lupa ang katawan na nagluwal kay Kristo. Nagbibigay ito ng pag-asa sa mga tao na ang kamatayan ay hindi katapusan, kundi simula ng buhay na walang hanggan kasama ang Diyos. Pinatutunayan nito ang pangako ng muling pagkabuhay ng katawan para sa lahat ng sumasampalataya.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Banal na Misa, prusisyon at pagsasama-sama ng mga bago at dating altar servers. May sayawan, awitan, mga palaro at salu-salo rin na lalong nagpatingkad ng nasabing selebrasyon. Ito rin ang naging isang magandang pagkakataon upang maparangalan ang mga natatanging lingkod na karapat-dapat pasalamatan at tularan. Punung-puno ng saya, pasasalamat, at pagkakaisa ang mga altar servers dahil dito.

Sa pagdiriwang na ito, dalangin ng ating parokya at mga lingkod na sana ay maging inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataang naglilingkod sa simbahan, ang kabayanihan ni San Tarcisio. Ipinakita niya ang dakilang pagmamahal at paggalang sa Eukaristiya, at sana ay gayon din ang gawin natin.




OOPS ๐Ÿ˜ OOPS ๐Ÿ˜‡ OOPS ๐Ÿฅบ THIS IS IT, LEHJETโ‰โ‰Ito na ang pinakahinihintay nating araw! Puno na ba ng excitement ang lahat? Gi...
14/08/2026

OOPS ๐Ÿ˜ OOPS ๐Ÿ˜‡ OOPS ๐Ÿฅบ THIS IS IT, LEHJETโ‰โ‰

Ito na ang pinakahinihintay nating araw! Puno na ba ng excitement ang lahat? Gising ka na ba? Ready ka na ba sa ating mga kaganapan? Tara na at tayo ay makibahagi sa ating kapistahan.

See you there, Altar Server! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™




๐•ฏ๐–†๐–๐–Ž๐–‘๐–†๐–“๐–Œ ๐•ถ๐–†๐–•๐–Ž๐–˜๐–™๐–†๐–๐–†๐–“ ๐–“๐–Ž ๐•พ๐–†๐–“ ๐•ฟ๐–†๐–—๐–ˆ๐–Ž๐–˜๐–Ž๐–”, ๐•ฌ๐–“๐–Œ ๐•ญ๐–†๐–™๐–†๐–“๐–Œ ๐•ธ๐–†๐–—๐–™๐–Ž๐–— ๐–“๐–Œ ๐•พ๐–†๐–“๐–™๐–Ž๐–˜๐–Ž๐–’๐–” ๐•พ๐–†๐–๐–—๐–†๐–’๐–Š๐–“๐–™๐–”Ngayong araw ay ating ginugunita ang buhay...
14/08/2026

๐•ฏ๐–†๐–๐–Ž๐–‘๐–†๐–“๐–Œ ๐•ถ๐–†๐–•๐–Ž๐–˜๐–™๐–†๐–๐–†๐–“ ๐–“๐–Ž ๐•พ๐–†๐–“ ๐•ฟ๐–†๐–—๐–ˆ๐–Ž๐–˜๐–Ž๐–”, ๐•ฌ๐–“๐–Œ ๐•ญ๐–†๐–™๐–†๐–“๐–Œ ๐•ธ๐–†๐–—๐–™๐–Ž๐–— ๐–“๐–Œ ๐•พ๐–†๐–“๐–™๐–Ž๐–˜๐–Ž๐–’๐–” ๐•พ๐–†๐–๐–—๐–†๐–’๐–Š๐–“๐–™๐–”

Ngayong araw ay ating ginugunita ang buhay ng isang batang martir na naging huwaran ng katatagan sa pananampalataya at wagas na pagmamahal sa Banal na Eukaristiya. Sa murang edad, buong tapang niyang tinanggap ang tungkulin na maglingkod sa Diyos at pangalagaan ang Katawan ni Kristo, kahit alam niyang maaari itong magdulot sa kanya ng panganib.

Sa panahon ng matinding pag-uusig sa mga Kristiyano sa Roma, ipinagkatiwala kay San Tarcisio ang pagdadala ng Banal na Komunyon sa mga kapatid na nakakulong dahil sa kanilang pananampalataya. Sa kanyang paglalakbay, hinarang siya at pinilit na isuko ang Eukaristiya, ngunit nanatili siyang matatag at hindi niya hinayaang malapastangan ang Katawan ni Kristo. Sa halip, pinili niyang ialay ang kanyang buhay bilang patunay ng kanyang katapatan at pagmamahal sa Panginoon.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa mga kabataang naglilingkod sa Simbahan, ang kabayanihan ni San Tarcisio. Sa kanyang halimbawa, matutuhan na ang tunay na paglilingkod ay nangangailangan ng tapang, sakripisyo, at matibay na pananampalataya. Nawaโ€™y lalo nating mahalin, igalang, at pahalagahan ang Santisimo Sakramento at manatiling tapat sa ating paglilingkod sa Diyos.

๐•พ๐–†๐–“ ๐•ฟ๐–†๐–—๐–ˆ๐–Ž๐–˜๐–Ž๐–”, ๐•ป๐–†๐–™๐–—๐–”๐–“ ๐–“๐–Œ ๐–’๐–Œ๐–† ๐•ท๐–Ž๐–“๐–Œ๐–๐–”๐–‰ ๐–“๐–Œ ๐•ฏ๐–†๐–’๐–‡๐–†๐–“๐–†, ๐–Ž๐–•๐–†๐–“๐–†๐–‘๐–†๐–“๐–Œ๐–Ž๐–“ ๐–’๐–” ๐–๐–†๐–’๐–Ž!





๐ˆ๐Š๐€๐“๐‹๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐Ž ๐€๐‹๐€๐˜ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐ŽNgayong araw na ito matagumpay na nairaos ang Ikatlong Araw ng Triduo alay ...
14/08/2026

๐ˆ๐Š๐€๐“๐‹๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐Ž ๐€๐‹๐€๐˜ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž

Ngayong araw na ito matagumpay na nairaos ang Ikatlong Araw ng Triduo alay kay San Tarcisio!

Bawat panalangin, pagninilay, at pagkakaisa natin ay naging magandang alay sa Kanya. Tulad ng tapat na paglilingkod ni San Tarcisio, nawaโ€™y manatili sa ating mga puso ang liwanag at lakas na hatid ng araw na ito, habang patuloy tayong naghahanda para sa darating na dakilang Pista.

Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas, at puso upang makasama sa pagdiriwang na ito!




ME LAMBA EXCITED NA PARA SA PISTA NI SAN TARCISIOโ‰Isang araw nalang, Altar Servers! Handa ka na ba para sa isang araw na...
14/08/2026

ME LAMBA EXCITED NA PARA SA PISTA NI SAN TARCISIOโ‰

Isang araw nalang, Altar Servers! Handa ka na ba para sa isang araw na puno ng kasiyahan, pagninilay, at pananampalataya kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Huwag mo na ito palampasin! Ihanda na ang sarili at ang inyong mga puso para sa isang makabuluhan at masayang pagdiriwang!

Magkita-kita tayo bukas sa ating parokya, kapwa servers! ๐Ÿฅฐโœจ




EKAW EKAW EKAW YUNG A-ATTEND SA FIESTAA ๐Ÿ˜๐Ÿค—At dahil diyan, narito na ang daloy ng programa para sa ating darating na kapi...
13/08/2026

EKAW EKAW EKAW YUNG A-ATTEND SA FIESTAA ๐Ÿ˜๐Ÿค—

At dahil diyan, narito na ang daloy ng programa para sa ating darating na kapistahan! Kasama rin dito ang mga bagay na dapat mong ihanda at dalhin, kaya siguraduhing tignan nang mabuti.

Ihanda na ang sarili, ang inyong mga gamit, at siyempre, ang puso para sa isang masaya at makabuluhang pagdiriwang

See you soon to the soon, Altar Server! ๐Ÿ˜




๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐Ž ๐€๐‹๐€๐˜ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐ŽNgayong araw na ito matagumpay na nairaos ang Ikalawang Araw ng Triduo ala...
13/08/2026

๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐Ž ๐€๐‹๐€๐˜ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž

Ngayong araw na ito matagumpay na nairaos ang Ikalawang Araw ng Triduo alay kay San Tarcisio!

Bawat panalangin, pagninilay, at pagkakaisa natin ay naging magandang alay sa Kanya. Tulad ng tapat na paglilingkod ni San Tarcisio, nawaโ€™y manatili sa ating mga puso ang liwanag at lakas na hatid ng araw na ito, habang patuloy tayong naghahanda para sa darating na dakilang Pista.

Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas, at puso upang makasama sa pagdiriwang na ito!




Address

Pasong Camachile 1
General Trias
4107

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Annunciation Parish Ministry of Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share