26/05/2026
🔥✨
Preacher: Ptra. Nancy Lanuza
Theme: Ang Kadakilaan sa Kaharian ng Diyos
Text: Mateo 18:1-5
“Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” 2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila 3 at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”
_____
1. Ang Tunay na Kadakilaan ay Nakikita sa Pagpapakumbaba (Kaw. 22:4, Sant 4:10, 1 Ped 5:6)
2. Ang Tunay na Tagasunod ni Cristo ay may Pusong Tulad ng Bata (Awit 131:2, Mar. 10:15, Mt 5:8)
3. Ang Pagtanggap sa Maliliit ay Pagtanggap kay Cristo (Mt 25:40, Fil. 2:3, Roma 12:10)