24/07/2026
𝙆𝘼𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝘽𝙄𝙍𝙃𝙀𝙉 𝙉𝙂 𝘽𝙐𝙉𝘿𝙊𝙆 𝙉𝙂 𝘾𝘼𝙍𝙈𝙀𝙇𝙊
Noong ika-16 ng Hulyo, ay ginunita ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo sa komunidad ng Grand Riverside Subd. Nagkaroon ng prusisyon sa ganap na ika-apat ng hapon na kung saan, ang Mahal na Birhen ay iniikot sa buong komunidad. Ito ay dinaluhan ng iba't-ibang organisasyon upang ipakita ang kanilang pananampalataya, pagmamahal at debosyon. Ang prusisyon ay sinundan ng Banal na Misa sa pangunguna ng ating kura-paroko, Rev. Fr. Randel Marero.
Ang pag gunita na ito ay tanda ng biyaya ng ating Mahal na Birhen. Aming ipinapanalangin ang patuloy na pag gabay pag-iingat at pagpapala sa bawat pamilya ng ating komunidad.