02/04/2026
Maligayang Araw ng mga Pari!
Sa araw na ito, buong pasasalamat na ipinagdarasal ng buong simbahayan ng San Gabriel Arkanghel Parish ang aming minamahal na kura paroko na si Rdo. Padre Ned Nazareno. Sa pamamagitan ng iyong pagtugon sa tawag ng Panginoon, ikaw ay naging buhay na saksi ng Kanyang awa at pag-ibig, tagapagdala ng Salita ng Diyos, tagapagdiwang ng mga banal na sakramento, at pastol na gumagabay sa kawan ng Panginoon.
Nawa’y patuloy kang patatagin ng biyaya ng Diyos sa iyong bokasyon, at manatili kang ilaw na nag-aakay sa amin tungo kay Kristo. Ang aming panalangin ay sumaiyo habang patuloy mong iniaalay ang iyong buhay sa paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan.
Maraming salamat, Padre, sa iyong tapat at mapagkalingang paglilingkod.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon ngayon at magpakailanman.