05/10/2026
Verse of the Week: Investing in Eternity
“Do not lay up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy and where thieves break in and steal, but lay up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor rust destroys and where thieves do not break in and steal.” – Matthew 6:19-20 (ESV)
We all invest and put importance on something we value. Nag-iinvest tayo ng oras sa work, school, family, ministry, relationships, at personal goals. We also invest money, energy, and effort sa mga mahalaga sa atin. Pero have we ever stopped to ask: Saan talaga napupunta ang mga investments sa buhay natin?
Maraming bagay sa mundo ang nagbibigay sa atin ng temporary satisfaction, pero eventually, lilipas din ang mga ito. Bilang followers of Jesus Christ, tinatawag tayo ng Diyos na mamuhay with an eternal perspective—to invest not only in things that have value today, but in things that will have eternal value, tulad ng encouragement sa atin sa Matthew 6:19-20. Here we can learn to put importance sa relationship natin sa Diyos, sa buhay ng ibang tao, at sa advancement ng Kanyang Kingdom.
1. INVESTING IN OUR RELATIONSHIP WITH GOD
Paano natin malalaman kung mas napapahalagahan na natin ang mga bagay sa mundo kaysa sa Diyos? Minsan, sa dami ng ginagawa natin—work, school, family, ministry, problems, at personal goals—madali nating makalimutan na ang pinakaimportanteng relationship na kailangan nating alagaan ay ang relationship natin sa Diyos. Kapag nag-i-invest tayo sa relationship natin sa Diyos, hindi ibig sabihin na kailangan nating maging perfect. Ang mahalaga ay patuloy tayong lumalapit sa Kanya, nakikinig sa Kanyang salita, nananalangin, at nagtitiwala sa Kanya.
2. INVESTING IN PEOPLE
Ang mga tao ay may eternal value, kaya gamitin natin ang ating time, love, at influence para maipakita sa kanila ang pagmamahal ng Diyos at maipakilala si Jesus Christ. Hindi lang sa malalaking bagay tayo maaaring maging instrumento ng Diyos. Minsan, isang simpleng encouragement, pakikinig, panalangin, o pag-share ng Gospel ay maaaring gamitin ng Diyos upang magkaroon ng eternal impact sa buhay ng isang tao.
3. INVESTING IN THINGS THAT ADVANCE GOD’S KINGDOM
Pwede tayong mag-invest ng oras, talento, resources, at effort sa mga bagay na ginagamit ng Diyos upang maipahayag ang Gospel at makatulong sa iba. Hindi kailangang malaki ang contribution natin. Kapag ginamit natin ang anumang ipinagkaloob ng Diyos para sa Kanyang Kingdom, may eternal value ito.
Ang tanong: Saan natin ini-invest ang buhay natin—sa mga bagay na lilipas, o sa mga bagay na may eternal value?
We pray na gamitin natin ang ating buhay to prioritize investing in things that have eternal value. God bless you, fellow Young Adults! Have a great week!