25/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Isang kapistahan ng pag-alala sa ating Ina na si Maria, Ina ng Simbahan. kahapon ay ipinagdiwang natin ang araw ng Pagbaba ng Banal na Espiritu Santo. At sa pagbaba sa mga unang apostol kasama si Maria, dahil nang si Hesus ay nasa krus, inahabilin niya ito kay Juan at si Maria, kanyang Ina ay ibinigay niya kay Juan, ngunit kasama nito ang buong apostol. At buong apostol ay sumasagisag ng unang simbahan na itinalaga ni Hesus. Kaya ang araw na ito ay pinaparangalan natin si Maria bilang ating Ina ng simbahan, ng ating pananampalataya na marami itinuturo sa atin kung paano mahalin ang Diyos at isabuhay ang ating pananampalataya sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.