26/09/2026
🌿 ROOTED AND RISING WOMEN OF GOD 🌿
Women’s Fellowship Recap | Sarah: “Mayroon Bang Bagay na Napakahirap para sa Panginoon?”
Isang pinagpalang fellowship na naman ang ipinagkaloob ng Panginoon sa aming mga kababaihan. ❤️
Sa kuwento ni Sarah, natutunan namin na ang paghihintay ay hindi nangangahulugang nakalimutan na tayo ng Diyos.
May mga panahong tayo ay napapagod, nagdududa, nai-inip, at nais nating tulungan ang Diyos sa sarili nating paraan. Ngunit tulad ni Sarah, pinaaalalahanan tayo ng Panginoon:
“Mayroon bang bagay na napakahirap para sa Panginoon?”
— Genesis 18:14
✨ Maaaring hindi natin alam kung kailan darating ang sagot.
✨ Maaaring hindi natin makita kung paano ito mangyayari.
✨ Ngunit maaari tayong magtiwala sa Diyos na nangako.
Ang panahon ng paghihintay ay hindi panahon ng paglimot ng Diyos.
Maaari itong maging panahon ng paghahanda, paglago, at mas malalim na pagtitiwala sa Kanya.
🌸 Our reminder:
Hindi natin kailangang maunawaan ang timing ng Diyos para magtiwala sa Kanyang katapatan.
Patuloy tayong maging ROOTED sa Salita ng Diyos at RISING sa pananampalataya. 🌿✨