31/12/2023
Ilang sandali pa at iiwanan na natin ang 2023.
Sa paglisan ng 2023 taglayin natin ang magagandang karanasan at laging tandaan ang mga kabiguan upang hindi na maulit pa.
Higit sa lahat pakatandaan na ang tanging nakakababatid ng panahon at mga mangyayari sa 2024 ay ang Dios na makapangyarihan sa lahat.
Sa aking pagbati ay hatid ko ang panalangin ng kapayapaan, kagalakan, mabuting kalusugan, at tagumpay para sa bawat isa.
Huwag kalilimutan na sa panahon ng kabiguan higit nating isipin ang magagawa at maitutulong ng palagiang pakikipag-usap sa Dios.
Mapagpalang bagong taon sa inyong lahat: mga kamag-anak, kaibigan, kamanggagawasa ubasan ng Panginoong Hesus, mga kapatid, mga kamag-aral, mga kababayan at sa buong sandaigdigan. PATULOY NA SUMAGANA ANG KAHABAGAN AT KAGANDAHANG LOOB NG DIOS SA LAHAT.