30/01/2025
๐๐๐๐ | ๐๐๐๐-๐๐๐๐, ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ข๐ณ ๐๐จ๐ฐ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ ๐๐๐๐ญ ๐๐๐๐
29 Enero 2025โ Kaugnay sa pagdiriwang ng Marist Meet 2025, umuwing tagumpay ang mga kalahok ng Dame of Marbel University - Integrated Basic Education Department (NDMU-IBED) matapos masungkit ang ikatlong puwesto para sa timpalak sa Quiz Bowl.
Layunin ng kompetisyon na mataya at maipamalas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Spelling, Vocabulary, Mathematics, Science, Filipino, Religion at Marist General Education.
Ang komposisyon ng grupo mula sa NDMU-IBED ay nilahukan nina Carli Hofileรฑa mula sa Grade 9 - St. Ignatius, Klein Dale Tolondon mula sa Grade 10 - St. Marcellin Champagnat, Lian Gail Lontiong ng Grade 11 - St. Dominic Savio, at Sachi Remollo ng St. Maria Goretti.
Bago pa man natapos ang kompetisyon, nagbigay ng paalala si Dr. Ma. Magdalena F. Cobrador, quiz master, hinggil sa kahalagahan ng mga aral na makukuha sa pagkapanalo at pagkatalo.
"In every competition, we could win, or lose... but that is life. The important thing is that we learned from our experiences."
Natapos ang timpalak sa pagkilala ng nga nagsipagwagi, at tinanghal na kampeon ang mga kalahok mula sa Notre Dame of Kidapawan College - IBED, samantalang nakamit ng Notre Dame of Cotabato, Inc. ang ikalawang puwesto.
Isinulat ni : Jasmine Alquisar