31/03/2024
๐๐ ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ข๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ฒ๐๐ง๐จ
(James 1:19)
Preacher: Bro. Alex Dabuan
Mar. 31, 2024
1 Timothy 4:16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
Tayong mga kristiyano ay dapat mapag matyag lalong lalo na sa ating sarili at itinuturo dahil tayo ang nag rerepresenta sa Diyos. Ingatan natin na hindi tayo mapintasan at makakapahamak lalong lalo na sa iba na nakikinig at nakakakita sa atin, ganoon din sa kapwa natin kristiyano. May dalawang mahalagang katangian na inuutos ng Diyos sa atin na dapat nating makamtan sa ating mga sarili;
1. May self control- Ang isang kristiyano ay dapat may kakayahan kontrolin ang kanyang sarili at emosyon. Lalong lalo na kung siya ay nalalagay sa problema, dahil isa ito sa sumusubok sa ating self control.
1 Timothy 3:3 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi;
Titus 1:7 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
Titus 1:8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
Sinasabi rin na, ang isang kristiyano ay hindi maging mahinahon sa lahat ng oras at hindi magalitin. Pinipili ang kanyang mga salita at may kamalayan sa kanyang mga sasabihin.
James 1:19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;
Proverbs 16:20 Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad.
2. May pagmamahal sa salita ng Diyos- Ang isang Kristiyano ay dapat may pagmamahal at interest sa salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng kanyang mga salita . Pinapalad rin ng Panginoon ang nagtitiwala at umaasa sa kanya.
Jeremiah 17:5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.
Revelation 1:3 Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.