16/01/2026
Sa darating pong Linggo ay ipagdiriwang po natin ang Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol o ang Santo Niño.
Kaugnay po nito ay muli naming pinapaalala po sa lahat na IPINAGBABAWAL at HINDI KINIKILALA NG SIMBAHAN ang mga Imahen ng Santo Niño dela Suerte at Santo Niño dela Pera.
Bilang isang binyagang katoliko hindi po tayo naniniwala sa mga pampaswerte o swerte dahil ang ating pag-asa ay dapat magmula lamang sa grasya at awa ng Panginoon, at hindi sa anumang paniniwala o mapamahin.