17/08/2026
Praise God sa matagumpay na General Assembly ng aming iglesia!
Sa aming pagpupulong, napag-usapan namin ang mga mahahalagang plano para sa ikabubuti at pagpapatuloy ng gawain ng Panginoon, lalo na ang pagpapatuloy ng aming church construction.
Sa kasalukuyan, bahagya nang pumapasok ang tubig mula sa labas ng aming gusali, kaya minabuti naming pag-isipan at pag-usapan nang mabuti ang mga kinakailangang hakbang upang maipagpatuloy ang construction. Aminado kami na limitado ang aming kakayahan bilang isang maliit na iglesia, ngunit hindi limitado ang kapangyarihan at probisyon ng aming Diyos. Naniniwala kami na kung ginabayan Niya kami hanggang sa puntong ito, patuloy din Niya kaming gagabayan at pagkakalooban ng kinakailangang tulong. Nakakagalak makita kung paano ginamit ng Diyos ang bawat miyembro ng iglesia upang magbahagi ng mga ideya, mungkahi, at iba't ibang proposal kung paano kami makakapag-gather ng funds para sa pangangailangang ito. Hindi kami umaasa sa aming sariling lakas, kundi sa tapat na probisyon ng Diyos.
“Unless the LORD builds the house, those who build it labor in vain.” — Psalm 127:1
Kaya hinihiling namin na isama ninyo kami sa inyong mga panalangin. Ipanalangin ninyo na pagkalooban kami ng karunungan, pagkakaisa, lakas, at sapat na provision upang maipagpatuloy ang construction ng aming church building—hindi para sa aming sariling kaluwalhatian, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikapagtatayo ng Kanyang iglesia. Soli Deo Gloria!