17/05/2026
May 14, 2026
| 𝗟𝗲𝘀𝘀𝗼𝗻 4 - 𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮: 𝗠𝗮𝘀 𝗞𝗮𝘆𝗮
𝐎𝐥𝐝𝐞𝐫 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭
Sa huling araw ng aming VCS, aming pinagnilayan ang Exodo 4:1-17 at ang aralin na “Magkasama: Mas Masaya.” 📖🤍
Tulad ni Moises na hindi nag-iisa sa kanyang tawag, naalala namin na ang bawat hamon ay mas nagiging magaan kapag may Diyos na kasama at may mga taong handang umalalay. Sa bawat hakbang ng aming paglalakbay, napatunayan naming ang pagtutulungan at pagkakaisa ay nagdadala ng tunay na saya at lakas. 🌱
Habang papalapit ang pagtatapos, bitbit namin ang aral na ang sama-samang paglalakbay ay mas makabuluhan at mas masaya. ✨ See less