Holy Family Parish - GMA, Cavite

Holy Family Parish - GMA, Cavite ᜉᜇᜓᜃ᜔ᜌ ᜅ᜔ ᜊᜈᜎ᜔ ᜈ ᜋᜄ᜔-ᜀᜈᜃ᜔ HOLY FAMILY PARISH, 4117 Congressional Rd., Brgy. del Pilar, 12th Day of October
-Bishop: Most Reverend REYNALDO G.

Poblacion II, General Mariano Alvarez, Cavite

Makipag-ugnayan sa amin sa (046) 443-2082 o sa [email protected]

Sundan kami sa facebook.com/hfpgma at sa instagram.com/hfpgma

DIOCESE OF IMUS
-Dioecesis Imusensis
-Suffragan of Manila
-Created: Nov. 25, 1961.
-Erected: April 26, 1962.
-Comprises: The entire civil province of Cavite.
-Titular: Nuestra Sra. EVANGELISTA, DD
-Population of the Province

: 4,662,744 (Catholics: 4,321,822)
-Vicariates: 12
-Parishes: 76
-Quasi-Parishes: 2
-Pastoral Centers: 3
-Chapel Community: 1
-Parish Abroad: 2
-Chapels: 355

SOUTH-EAST CAVITE: EPISCOPAL DISTRICT OF SAINT MARK
Episcopal Vicar: Reverend Father LUISITO C. GATDULA

VICARIATE OF SAINT JOSEPH
Vicar Forane: Reverend Father ARIEL A. DELOS REYES

PARISH OF THE HOLY FAMILY
-Parroquia de la Sagrada Familia
-Created: 1968
-Erected: April 24, 1979
-Comprises: The 18 Barangays of GMA Town Proper; Poblacion 1, 2, 3, 4 (Area I), Poblacion 5 Proper (Area G), Benjamin Tirona (Area D), Bernardo Pulido (Area H), Epifanio Malia (Area D), Fiorello Calimag (Area C), Gavino Maderan (Area J), Jacinto Lumbreras (Area J), Koronel Jose P. Elises (Area E), Macario Dacon (Area D), Marcelino Memije (Area H), Pantaleon Granados (Area G), Ramon Cruz Sr. (Area J), San Gabriel (Area K), Severino De Las Alas (Area J)
-Titular: The Holy Family, Last Sunday of December
-Parish Priest: Reverend Father RODOLFO A. PASCUAL
-Parochial Vicar:
-Population of the Municipality: 172,723 (Catholics: 145,087)

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 ⛪️𝑺𝒆𝒏𝒂𝒌𝒖𝒍𝒐 | 𝑨𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈: 𝑨𝒏𝒈 𝑲𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒌𝒓𝒊𝒑𝒊𝒔𝒚𝒐 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔𝒂𝒏𝐋𝐚𝐭...
20/04/2026

𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 ⛪️
𝑺𝒆𝒏𝒂𝒌𝒖𝒍𝒐 | 𝑨𝒏𝒈 𝑫𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈: 𝑨𝒏𝒈 𝑲𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒌𝒓𝒊𝒑𝒊𝒔𝒚𝒐 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔𝒂𝒏

𝐋𝐚𝐭𝐞 𝐩𝐨𝐬𝐭𝐢𝐧𝐠: Sa paggunita ng Biyernes Santo ay naging matagumpay ang pagtatanghal ng mga manggagawa ng ating Parokya. Ang bawat eksena na ipinakita ay sumasalamin sa hirap, sakit, at walang kapantay na pag-ibig ni Hesus para sa sangkatauhan, ito rin ay isang paalala ng Kanyang walang hanggang sakripisyo para sa atin.

Sa pamamagitan ng makabuluhang pagtatanghal na ito, muling naipakita at nabuhay sa puso ng bawat manonood ang diwa ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal bilang sambayanang Katoliko. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating isabuhay ang aral ng sakripisyo at malasakit sa kapwa.






𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 | 𝐒𝐚𝐥𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon ay masayang ginanap ang Salubong 2026...
09/04/2026

𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 | 𝐒𝐚𝐥𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon ay masayang ginanap ang Salubong 2026 bilang tanda ng pagsalubong ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang kaisa isang minamahal na ina at tanda ng Kanyang muling pagkabuhay.

Ito ay iisang makabuluhang tagpo ng pag-asa at pag-ibig kay Hesukristo.

Nagmula ang Hesukristo na muling nabuhay sa Barangay San Gabriel, habang ang Mahal na Birhen ng Dolorosa naman ay nagmula sa Barangay Granados at ito ay nagtagpo sa tapat ng ating Parokya, ang Banal na Mag-Anak.

Sa kanilang pagtatagpo, nasilayan muli ang kagalakan ng muling pagkabuhay, ito ay tanda ng tagumpay at liwanag laban sa dilim. Ito rin ay isang paalala sa ating lahat na ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang pagdiriwang, kundi isang panawagan na isabuhay ang pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa ating Panginoong Hesuskristo at sa ating kapwa.

Matapos ang makabagbag-damdaming pagsalubong, ito ay sinundan ng pagpapalipad ng lobo, ibon at sunod sunod na pagputok ng mga 𝘍𝘪𝘳𝘦𝘸𝘰𝘳𝘬𝘴.

Matapos ang programa ay nagkaroon ng Banal na Misa na pinangunahan ng ating kura paroko, Rev. Fr. Rodolfo A. Pascual.




𝗕𝗜𝗛𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 🕯️Sa paggunita ng Sabado de Gloria, taimtim na isinagawa ang Pagbabasbas ng Apoy s...
07/04/2026

𝗕𝗜𝗛𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 🕯️

Sa paggunita ng Sabado de Gloria, taimtim na isinagawa ang Pagbabasbas ng Apoy sa Parokya ng Banal na Mag-anak, na pinangunahan ng ating kura paroko na si Rev. Fr. Rodolfo A. Pascual.

Ang banal na apoy na ito ay sumisimbolo ng liwanag ni Kristo na muling nabuhay, na nagbibigay pag-asa at bagong simula sa bawat mananampalataya at sa gitna ng dilim. Ito rin ay nagsisilbing paalala na si Kristo ang ating ilaw na gumagabay sa atin tungo sa muling pagkabuhay at panibagong buhay.

𝑺𝒊 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐'𝒚 𝒎𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚. 𝑨𝒍𝒆𝒍𝒖𝒚𝒂! 𝑨𝒍𝒆𝒍𝒖𝒚𝒂





𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢𝑷𝒓𝒖𝒔𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒃𝒊𝒏𝒈Ika-lima ng hapon ng Biyernes Santo ay taimtim na isinagawa ang Prusisyon ng Libing, it...
04/04/2026

𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢
𝑷𝒓𝒖𝒔𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒃𝒊𝒏𝒈

Ika-lima ng hapon ng Biyernes Santo ay taimtim na isinagawa ang Prusisyon ng Libing, ito ay isang banal na paglalakbay na sumasalamin sa pagluluksa at pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pagpanaw ng ating Panginoong Hesukristo.





𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢𝑷𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝑲𝒓𝒖𝒔 ✝️Sa ganap na alas-tres ng Biyernes Santo, taimtim na isinagawa ang Pagpaparangal sa...
04/04/2026

𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢
𝑷𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝑲𝒓𝒖𝒔 ✝️

Sa ganap na alas-tres ng Biyernes Santo, taimtim na isinagawa ang Pagpaparangal sa Krus matapos ang pagtatanghal ng mga mangagawa ng simbahan para sa Senakulo 2026.

Ito ay pinangunahan ng ating kura paroko Rev. Fr. Rodolfo A. Pascual, bilang paggunita sa dakilang sakripisyo ni Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Sa bawat paglapit at paghalik sa krus, ipinahayag ng mga mananampalataya ang kanilang pananampalataya, pasasalamat, at pag-ibig.






SI KRISTO AY MULING NABUHAY.Aleluya! Aleluya!
04/04/2026

SI KRISTO AY MULING NABUHAY.
Aleluya! Aleluya!

04/04/2026
𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢𝑽𝒊𝒂 𝑪𝒓𝒖𝒄𝒊𝒔 👣Sa katahimikan ng madaling-araw ay taimtim na ginanap ang Via Crucis kahapon, Biyernes Santo, ...
04/04/2026

𝗕𝗜𝗬𝗘𝗥𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢
𝑽𝒊𝒂 𝑪𝒓𝒖𝒄𝒊𝒔 👣

Sa katahimikan ng madaling-araw ay taimtim na ginanap ang Via Crucis kahapon, Biyernes Santo, sa ganap na alas-kuwatro ng umaga.

Ito ay nagpapaalala na sa bawat hakbang at pagninilay sa Daan ng Krus ay muling binabalikan ng mga mananampalataya ang sakripisyo at wagas na pag-ibig ni Hesus para sa atin.






𝗛𝗨𝗪𝗘𝗕𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢 𝑷𝒂𝒈𝒉𝒖𝒉𝒖𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑺𝒂𝒌𝒓𝒂𝒎𝒆𝒏𝒕𝒐Kahapon, Huwebes Santo, ginanap ang taimtim na pagsa...
03/04/2026

𝗛𝗨𝗪𝗘𝗕𝗘𝗦 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢
𝑷𝒂𝒈𝒉𝒖𝒉𝒖𝒈𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑺𝒂𝒌𝒓𝒂𝒎𝒆𝒏𝒕𝒐

Kahapon, Huwebes Santo, ginanap ang taimtim na pagsasagawa ng paghuhugas ng paa at pagtatanod sa Banal na Sakramento sa Parokya ng Banal na Mag-anak sa pangunguna ng ating kura paroko Rev. Fr. Rodolfo A. Pascual.

Ngayung semana santa naway magsilbi itong paalala ng pagkakaroon ng kababaang-loob at wagas na pagmamahal kay Hesus at ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa paglilingkod sa kapwa.

Nawa’y manatili sa ating mga puso ang diwa ng pag-ibig, sakripisyo, at pananampalataya, hindi lamang sa panahong ito ng Kuwaresma kundi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.





UPDATE: Ngayong gabi ng ika-3 ng Abril, 2026, taimtim na nakalagak sa ating simbahan ang Santo Sepulcro, ang banal na im...
03/04/2026

UPDATE: Ngayong gabi ng ika-3 ng Abril, 2026, taimtim na nakalagak sa ating simbahan ang Santo Sepulcro, ang banal na imahen ng katawan ng ating Panginoong Hesukristo matapos ang Kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Kasama rin nito ang larawan ng Kanyang Mahal na Ina, ang Mater Dolorosa.

Sa katahimikan ng gabing ito, inaanyayahan ang bawat mananampalataya na magnilay at manalangin, alalahanin ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos na inialay para sa ating kaligtasan.

03/04/2026

𝐏𝐑𝐔𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐈𝐍𝐆

Bilang paggunita ng Biyernes Santo ay ating ginagawa ngayun ang paglilibing kay Hesus

𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧.Sa ginanap na Chrism Mass sa Imus Cathedral kahapon ay...
03/04/2026

𝐒𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐭𝐢𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐦𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧.

Sa ginanap na Chrism Mass sa Imus Cathedral kahapon ay taimtim na nagtipon ang sambayanan kasama ang mga pari ng Diyosesis upang sariwain ang kanilang bokasyon at pagtatalaga sa paglilingkod. Ito ay Pinangunahan ni Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D.

Ginanap din ang makabuluhang pagbabasbas ng mga banal na langis na gagamitin sa mga sakramento na sumasalamin sa biyaya ng Diyos na patuloy na gumagabay sa Kanyang bayan. Nawa’y magsilbi itong paalala ng ating pakikiisa at pananampalataya bilang isang buhay na Simbahan.



Address

Congressional Road
General Mariano Alvarez
4117

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+6324432082

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Family Parish - GMA, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Holy Family Parish - GMA, Cavite:

Share