Extra Ordinary Minister of Holy Communion

Extra Ordinary Minister of Holy Communion Proud ako Bilang Isang Katolikong Kristyano.🙏🙏🙏

13/08/2026

Huwebes, Agosto 13, 2026

Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir

Ezekiel 12, 1-12
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 18, 21 – 19, 1

Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of Sts. Pontian, Pope, and Hippolytus, Priests, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 12, 1-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakikita at mga taingang hindi nakaririnig pagkat sila’y mapaghimagsik. Kaya nga, magbalot ka ng kailangan mo sa paglalakbay bilang isang itinapon. Bago dumating ang gabi, maglalakad ka sa lansangan nang nakikita nila at baka sakaling makaunawa sila sa kabila ng pagiging mapaghimagsik nila. Samantalang maliwanag pa, maghanda ka ng iyong dala-dalahan nang nakikita nila at kinagabihan ay maglalakad kang parang manlalakbay. Pagkatapos, bumutas ka sa pader at doon ka magdaan. Pasanin mo ang iyong dala-dalahan at lumakad kang nakikita nila. Magtakip ka ng mukha para hindi mo makita ang lupain pag-alis mo pagkat ikaw ang gagawin kong pinakababala sa mga Israelita.”

At ginawa ko ang lahat ayon sa utos sa akin. Nang araw na iyon, naghanda ako ng aking madadala bilang isang takas. Kinagabihan, bumutas ako sa pader at nagpatuloy sa paglalakbay na nakikita nila habang pasan ko ang akin mga dala-dalahan.

Kinaumagahan, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, hindi ba’t itinanong sa iyo ng mapaghimagsik na mga Israelitang yaon kung ano ang iyong ginagawa? Sabihin mo sa kanila na ipinasasabi ko: ‘Ang pahayag na ito ay para sa pinuno ng Jerusalem at sa buong Israel. Sabihin mong ang ginawa mo ang pinakababala sa gagawin sa kanila: Itatapon sila, at ipabibihag.’ Pagdilim, papasanin ng pinuno ng Jerusalem ang kanyang dala-dalahan at tatakas sa pamamagitan ng butas sa pader. Magtatakip siya ng kanyang mukha para hindi niya makita ang lupaing iiwan niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ngunit sila’y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos,
hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;
katulad ng nuno nila sila’y kusang tumalikod,
nagtaksil na wari’y panang lumipad nang walang taros.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit,
nang makita ang dambana ng larawang iniukit.
Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid,
itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sagisag ng kanyang lakas, ang kaban ng kanyang tipan,
binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.
Nagalit sa kanyang baya’t ibinigay sa kaaway,
kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Salmo 118, 135

Aleluya! Aleluya!
P**n, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa ‘min.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21 – 19, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampungmilyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw — napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Sa Unang Pagbasa (Ezekiel 12:1-12), inituos ng Panginoong Diyos kay Propetang Ezekiel na magdala ng bagahe na tila nga bang siya’y tinatapon sa isang hindi kilalang lupain. Inutusan din ang propeta na maglakbay mula sa kanyang tinitirahang lupain papunta sa iba pang lupain, at sinusundan siya ng rebeldeng bayan ng Israel. Makikita natin dito kung paanong pinabayaan ng Panginoon na mabihag ng mga kalabang bansa ang Israel dahil sa pagiging pagmatigasin nito. Ngunit hindi niya pinabayaan sila nang kabuuan dahil sa kanyang katapatan. Kaya nga gumawa pa rin siya ng paraan upang ipalaya sila mula sa pagkabihag na iyon pabalik sa kanilang orihinal na lupain. Sa kabila ng pagkukulang at pagkakasala ng tao, patuloy na magiging tapat ang Panginoon sa pagpapamalas niya ng kanyang dakilang habag sa mga tao.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 18:21—19:1), itinuturo sa atin ni Hesus ang kahalagan ng pagpapatawad. Unang kanyang sinabi ay ang pagpapatawad ng pitumpu’t pitong beses. Sa Genesis 4:24, pumatay si Lamec ng isang bata dahil sinusugatan siya nito. Kaya sinabi niya na kung si Cain man ay sinaktan, pitong beses ang parusa ng gumawa, at kung siya naman ay sinaktan, pitumpu’t pitong beses ang kaparusahan. Ngunit para kay Hesus, ang bilang na ito ay hindi pisikal na sakitan, kundi pagpapatawad. Dapat buong pusong at agad patawarin natin ang taong nagsisi sa maling gawai. Tunay na dakila ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Tuwing tayo’y nagkukumpisal, inaamin natin na tayo’y mali. At napakaganda ang mensahe ng Panginoon sa pahayag ng mga pari, na tayo’y pinatawad niya. Kaya lang kung talagang pinatawad niya tayo, hindi ba dapat matuto tayong magpatawad? Ang lalaking may malaking utang sa talinghaga ay napagbigyan ng hari ng pagkakataong magbayad, pero yung lingkod na may maliit na utang sa kanya ay pinakulong at hindi pinagbigyan ng pagkakataong magbayad. Kaya nagalit ang hari, pinalaya ang lingkod ng lakaki, at pinakulong ang lalaki hanggang bayarin ang utang nito.

At totoo ang isang pahayag ni Kristo: “Kung pinapatawad ninyo ang mga nagkasala sa into, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama” (Mateo 6:14-15). Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y taospusong magpatawad tayo gaya ng pagpapatawad ng Panginoon tuwing nagsisisi tayo sa kanya.

Unang Sabado Ng Paghuhubog August 8, 2026Speaker: Bro. Adolfo Agustin " Mission of the Church"" Ipinanganak Tayu na may ...
08/08/2026

Unang Sabado Ng Paghuhubog

August 8, 2026
Speaker: Bro. Adolfo Agustin

" Mission of the Church"

" Ipinanganak Tayu na may Misyon Ng nakaabang Bilang bahagi Ng pagiging Kristyano."

Salamat sa Diyos.

04/08/2026

Lunes, Agosto 3, 2026

Lunes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Jeremias 28, 1-17
Salmo 118, 29. 43. 79. 80. 95. 102

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Mateo 14, 22-36

Monday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 28, 1-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Nang taon ding iyon, nang ikalimang buwan ng ikaapat na taon ng paghahari ni Sedequias sa Juda, si Jeremias ay kinausap ni Ananias, anak ni Propeta Azur ng Gabaon. Sila noo’y nasa patyo ng Templo. Sa harapan ng mga saserdote at ng mga tao, ang sabi ni Ananias: “Ito ang sabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Winakasan ko na ang kapangyarihan ng hari sa Babilonia. Sa loob ng dalawang taon ay ibabalik ko sa Templong ito ang lahat ng kagamitan na kinuha ni Haring Nabucodnosor at dinala sa Babilonia. Ibabalik ko rin dito si Jeconias, anak ni Haring Joaquiam ng Juda, at ang lahat ng bihag na taga-Juda na dinala sa Babilonia; aalisin ko na kayo sa ilalim ng kapangyarihan ng Babilonia.”

Sinabi naman ni Propeta Jeremias kay Propeta Ananias nang naririnig ng mga saserdote at lahat ng naroon sa patyo ng Templo, “Amen! Ganyan nga sana ang gawin ng Panginoon! Magkatotoo nawa ang ipinahayag mo. Mapabalik sana rito mula sa Babilonia ang lahat ng kagamitan ng Templo, at ang lahat ng dinala roong bihag! Ngunit pakinggan ninyo ang sasabihin ko sa inyong lahat. Ang mga propetang nauna sa atin ay nagpahayag na magkakaroon ng digmaan, taggutom at salot sa maraming bansa at tanyag na mga kaharian. Kung magkatotoo ang pahayag ng isang propeta na iiral ang kapayapaan, saka lamang natin malalamang ang Panginoon nga ang nagsugo sa kanya.”

Pagkarinig niyon, kinuha ni Propeta Ananias ang pamatok na nasa batok ni Jeremias at binali. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroroon: “Sinasabi ng Panginoon na ganito ang gagawin niya sa mga pamatok na inilagay ni Haring Nabucodnosor sa lahat ng bansa, at ito’y gagawin niya sa loob ng dalawang taon.” At umalis si Propeta Jeremias.

Pagkalipas ng kaunting panahon mula nang baliin ni Propeta Ananias ang pamatok ni Propeta Jeremias, kinausap ng Panginoon si Jeremias: “Pumunta ka kay Ananias at sabihin mo: Nawasak mo nga ang pamatok na kahoy ngunit papalitan ko ng bakal. Lalagyan ko ng pamatok na bakal ang lahat ng bansang ito upang sila’y maglingkod kay Nabucodnosor, at magkakagayon nga; siya’y paglilingkuran nila, sapagkat ipinailalim ko sa kanya pati ang mga hayop sa parang.” At sinabi pa ni Propeta Jeremias, “Ananias, hindi ka sinugo ng Panginoon, at pinapaniwala mo sa isang kabulaanan ang mga taong ito. Kaya’t ang sabi ng Panginoon: ‘Ikaw ay mawawala sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito, sapagkat tinuruan mo ang bayan na maghimagsik laban sa Panginoon!”

At nang ikapitong buwan nga ng taong iyon, si Propeta Ananias ay namatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 29. 43. 79. 80. 95. 102

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Sa landas na di matuwid, huwag mo akong babayaan,
pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Tulungan mong ihayag ko yaong tunay na balita,
yamang sa ‘yong kahatulan lubos akong may tiwala.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Sa akin ay magsilapit ang sa iyo ay may takot,
maging yaong mga tao na alam ang iyong utos.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Sana’y lubos kong masunod ang buo mong kautusan,
upang hindi mapahiya’t tamuhin ko ang tagumpay.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Nag-aabang ang masama, upang ako ay mapatay,
ngunit ako’y magbubulay sa bigay mong kautusan.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

Hindi ako nagpabaya sa utos mo at tuntunin,
pagkat ikaw ang g**o ko na nagturo ng aralin.

P**n, ituro mo sa ‘kin
ang utos mo upang sundin.

ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
G**o, Anak na butihin
ng D’yos Amang masintahin,
Ika’y Hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 22-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Matapos mabusog ang mga tao, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus, kaya’t dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Hindi natin makakalimutan no’ng sinalanta tayo ng isang mapinsalang bagyo, at ayon sa ating kasaysayan, ito ang pinakamalakas at pinakamapinsalang trahedya na naganap sa ating bansa. Hindi talagang inaasahan ng ating mga kababayan na ganyang kalupit ang paghampas ng mga alon sa kanilang mga bahay, at ganundin, malungkot ang sinapitan nilang mawala ng tirahan, ari-arian, at ang kanilang mahal sa buhay. Kaya makalipas ng higit dalawang taon, patuloy silang bumabangon sa kabila ng trahedyang kanilang dinanas. Mga kapatid, kapag sinalanta tayo ng mga kalamidad katulad ng bagyo, lindol, sunog, at pagsabog ng bulkan, ang unang reaksyon natin ay takot dahil ayaw nating mamatay, lalung-lalo na ang ating mga mahal sa buhay. Kaya nagpupursigido tayong maging handa at alerto upang hindi madamay. Pero sa kabila nito, naniniwala ba tayo na ang Panginoon ay nasa piling natin?

Sa Unang Pagbasa (Jeremias 28:1-7), narinig natin ang pagbabali ng pamatok ng Babilonia na nagpapabihag sa bayang Israel. Ito ang nais gawin ni propeta Ananias sa patnubay ng Diyos at ni propeta Jeremias. Subalit narinig natin kung paanong binali ni Ananias ang pamatok ni Jeremias. Kaya nakita ng Diyos kung paanong sinuway siya ng isa dapat na maging tagapagpadala ng mensahe ng Diyos. Subalit makikita natin ang katatagan at katapatan ni Jeremias na patuloy na ipahayag ang tunay na mensaheng nagmula sa Panginoon.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:22-36), makikita natin ang isa pang himala ni Hesus pagkatapos ang pagpapakain sa limang libong pagkain. Ang bangka ng mga alagad ay pinahahampas ng mga alon ng dagat at hangin, kaya sila’y natakot na lumubog. Biglang nagpakita sa kanila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Kaya itong si Simon Pedro ay pursigidong lumakad patungo sa Panginoon. Ngunit dahil siya’y tumingala sa dagat, bigla siyang lumunod, kaya sinagip siya ni Kristo at tinanong kung bakit siyang nag-alinlangan.

Mga kapatid, makikita natin sa Ebanghelyong itong himala ni Hesus ay nakasentro sa pananampalataya. Ang kanyang pagdeklara na “AKO” ay inaalala ang pagpapahayag ng Diyos kay Moises sa nagliliyab na puno (Cf. Exodo 3:14). Ang kanyang paglalakad sa ibabaw ng tubig ay nagaalala kung paanong hinati ng Diyos sa pamamagitan ni Moises ang Pulang Dagat para makalakad ang mga Israelita sa tuyong lupain (Cf. Exodo 14:15-31). Kaya si Kristo ang bagong Moises sapagkat ang kaligtasang bigay niya ay ang pag-aalay ng kanyang buhay sa Krus.

Sa gitna ng ating mga problema sa buhay, dapat tayo’y sumampalataya sa Panginoon para tulungan tayong iharap ang mga ito nang may pagtitiis at patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y lumapit tayo sa Panginoon upang tulungan tayong masolusyon ang ating mga personal na suliranin. Nawa siya’y maging kaagapay natin sa kabila ng mga “bagyo ng ating buhay”.

Kinilala ang mga bagong Aspirante Ng COMRE para SA darating na Paghuhubog.Salamat SA Diyos sa Tumugon.
01/08/2026

Kinilala ang mga bagong Aspirante Ng COMRE para SA darating na Paghuhubog.Salamat SA Diyos sa Tumugon.

01/08/2026
29/07/2026

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro

1 Juan 4, 7-16
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.

o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Juan 11, 19-27
o kaya Lucas 10, 38-42

Memorial of Sts. Martha, Mary and Lazarus (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 4, 7-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos, at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at sinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Mga pinakamamahal, yamang gayon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinatotohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya. Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
Sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng P**n hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’t nagligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

Matakot sa P**n, kayo, kanyang bayan,
nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.
Kahit mga leon ay nagugutom din,
sila’y nagkukulang sa hustong pagkain;
ngunit ang sinumang ang P**n susundin,
sa anumang bagay hindi kukulangin.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang P**n natin.
o kaya:
Magsumikap tayong kamtin
ang Panginoong butihin.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 11, 19-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga Judio ang dumalaw kina Marta at Maria upang sila’y aliwin. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayo’y ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya’y mabubuhay uli sa huling araw, sa muling pagkabuhay.” Sinabi naman ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?” “Opo, Panginoon!” sagot niya. “Nananalig ako sa inyo. Kayo po ang Anak ng Diyos, ang Mesiyas na inaasahang paparito sa sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 10, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus at ang kanyang mga alagad sa kanilang paglalakbay at pumasok sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Ipinagdiriwang ng buong Simbahan ngayon ang Paggunita sa tatlong magkakapatid ng Betania, sina Sta. Marta, Sta. Maria, at San Lazaro. Isa si Santa Marta sa mga kababaihang tagasunod ni Hesus at mga malalapit niyang kaibigan. Siya ang kapatid nina San Lazaro at Santa Maria ng Betania. Kilala siya sa paglilingkod sa mga pisikal na pangangailangan ng mga panauhin sa kanilang sambahayan. Minsan nga siya’y nagreklamo sa Panginoong bisita sa kanilang bahay na pagsabihan ang kanyang kapatid na si Maria na tulungan siya. Ngunit ipinaalala ni Hesus sa kanya na hindi dapat siya maging abala sa maraming bagay, kundi gawin ang nararapat na makinig sa Panginoon, katulad na ginagawa ni Maria.

Nang nabalitaan ni Hesus na may sakit ang kanyang kaibigang si Lazaro, alam ni Hesus na mamatay si Lazaro hindi dahil nais niya ito, kundi upang iphayag sa magkapatid, mga bisita nina Marta at Maria, at pati na rin sa mga Apostol ang tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya nang makita ni Marta si Hesus, parang nanumbat siya sa Panginoon na dapat dumating rito noong buhay pa ang kanyang kapatid na si Lazaro. Ngunit idineklara ni Kristo kay Marta bilang Muling Pagkabuhay at ang Buhay, na sinumang sumasampalataya sa kanya ay mabubuhay kailanman at hindi na mamamatay. Kaya sumampalataya si Marta sa paniniwalang si Kristo ay ang Anak ng Diyos. Bagamat naging abala rin si Marta nang ipinauurong ni Hesus ang bato mula sa libingan dahil sa naagnas na katawan ni Lazaro, ipinaalala rin ng Panginoon sa kanya na makikita niya ang kaluwalhatian ng Diyos kung siya’y sasampalataya. Kaya binuhay muli ni Hesus ang kanyang kaibigan mula sa kamatayan. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng isang piging sa Betania, na kung saan si Marta ay naghanda, samantala si Maria ay nagbuhos ng langis sa paa ni Hesus. Ito ang kanilang pasasalamat sa Panginoon sa pagbubuhay ng kanilang minamahal na kapatid na si Lazaro.

Makikita natin sa buhay ni Santa Marta ang kahalagahan ng pagsisikap at paglilingkod para sa Panginoon. Kasama nina Santa Maria at San Lazaro, siya’y nagbigay ng aliw sa ating Panginoong Hesukristo sa nalalapit na Pagpapasakit at Pagkamatay sa Krus nito sa Jerusalem. At ipinaalala rin sa atin sa kwento ng magkakapatid na taga-Betania ang pananamapalataya na hindi lahat ay natatapos sa kamatayan, subalit mayroon pang darating na kaligayahan sa buhay na walang hanggan kung tayo ay patuloy na mananalig kay Kristo.

Salamat sa Diyos
18/07/2026

Salamat sa Diyos

"Hindi iiwan ng Diyos ang Kanyang lingkod; sa bawat luha ay may pag-asa, at sa bawat laban ay may Kanyang presensya."
15/07/2026

"Hindi iiwan ng Diyos ang Kanyang lingkod; sa bawat luha ay may pag-asa, at sa bawat laban ay may Kanyang presensya."

13/07/2026

Salamat sa Diyos.🙏🙏🙏

Maging Biyaya Tayo Sa Bawat ISA.
10/07/2026

Maging Biyaya Tayo Sa Bawat ISA.

Address

Holy Family Parish Church
General Mariano Alvarez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Extra Ordinary Minister of Holy Communion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share