Pulong Singkamas Chapel

Pulong Singkamas Chapel SAN LORENZO RUIZ CHAPEL

πŸͺ»βœοΈ Daan ng Krus sa Pamayanan ng Pulong Singkamas
08/03/2026

πŸͺ»βœοΈ Daan ng Krus sa Pamayanan ng Pulong Singkamas

IKA-SIYAM NA SIMBANG GABI/ IKA-HULING SIMBANG GABIAng pagbabago ay isang kayamanan ng bawat tao, malaki man o maliit. It...
23/12/2025

IKA-SIYAM NA SIMBANG GABI/ IKA-HULING SIMBANG GABI

Ang pagbabago ay isang kayamanan ng bawat tao, malaki man o maliit. Ito ay ikabubuti ng ating sarili at ikadadakila ng Panginoon. Magalak dahil nalalapit na ang pagdating ng ating mahal na si Jesus. Buong pusong tanggapin at unti-unti tayong magbago para sa ikabubuti natin at ng nakararami.

Ito na ang huling gabi ng ating simba, baunin at isabuhay natin ang lahat ng aral ng ating Panginoon.
Advance Merry Christmas po sa lahat! πŸŽ„β€οΈ Nawa'y ang pagpapala ng ating Panginoon ay laging sumaatin, Amen.

December 23,2025

IKA-WALONG SIMBANG GABIMaging HANDA sa lahat ng pangyayari sa ating buhay, katulad na nga lang ni Maria at Jose na handa...
22/12/2025

IKA-WALONG SIMBANG GABI

Maging HANDA sa lahat ng pangyayari sa ating buhay, katulad na nga lang ni Maria at Jose na handang gawin ang ninanais ng Panginoon. Ang liwanag ng Espiritu Santo ang magsisilbing liwanag sa ating daan patungo sa Diyos. Linisin ang daan, ayusin ang labak at patagin ang mga bako-bako β€” ihalintulad natin ito sa ating SARILI, maging mabuting tao at linisin ang mga pasakit sa ating puso dahil ang ANAK NG DIYOS AY DARATING.
Makiisa at magalak na dumalo sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm). Nawa'y ang pagpapala ng Diyos ay sumaatin, Amen.

December 22, 2025

IKA-PITONG SIMBANG GABIAng pagtawag sa atin ng Panginoon ay isang karangalan, kaya't ito ay ating buong puso at magalak ...
21/12/2025

IKA-PITONG SIMBANG GABI

Ang pagtawag sa atin ng Panginoon ay isang karangalan, kaya't ito ay ating buong puso at magalak na tugunan. Katulad na nga lang ni Jose na nag alinlangan man sa una ngunit buong pusong sinunod ang utos ng Panginoon. Si Jose na β€” SILENT, SINCERE, AT SERIOUS, napili bilang Ama ng ating Jesus. Nawa'y katulad ni Jose ay maging mabuting tao tayo at buong puso na maglingkod sa Panginoon.

Magalak at makiisa sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm). Kaawan tayo ng Panginoong Hesukristo, Amen.

December 21, 2025

IKA-ANIM NA SIMBANG GABISa kabila ng kadiliman ay hindi naging hadlang upang ating ipagdiriwang ang ating simbang gabi. ...
20/12/2025

IKA-ANIM NA SIMBANG GABI

Sa kabila ng kadiliman ay hindi naging hadlang upang ating ipagdiriwang ang ating simbang gabi. Katulad na nga lang ng pag OO ni Maria nang siya'y binisita ng Anghel. Si Maria na maglilihi lilim ng kapangyarihan ng Panginoon at ipapanganak ang ANAK NG DIYOS. Nawa'y katulad ni Maria tayong lahat ay maging kalinis linisan, kabanal banalan at kalugod lugod, THY WILL BE DONE β€” mangyare nawa sa akin ang iyong sinabi.
Magalak at makiisa sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm).
Pagpalain tayo ng Panginoong Hesukristo, Amen.

December 20,2025

Ika-limang Simbang GabiAng paghihintay ng matagal ay walang kasiguraduhan ngunit kapag sa Panginoon ay walang imposible....
19/12/2025

Ika-limang Simbang Gabi

Ang paghihintay ng matagal ay walang kasiguraduhan ngunit kapag sa Panginoon ay walang imposible. Tayong lahat ay pinagpapala ng ating Panginoong Diyos. Kaya't tuwirin ang daan sa kanyang pagdating , at ihanda ang sarili dahil ang Diyos kailanman ay hindi tayo pinagtataguan.

Magalak at makiisa sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm).
Sumaatin nawa ang pagpapala ng Panginoon, Amen!

December 19,2025

IKA-APAT NA SIMBANG GABIAng tunay na pag-ibig ay walang panghuhusga, kundi isang buong pagtanggap kung ano at sino ka pa...
18/12/2025

IKA-APAT NA SIMBANG GABI

Ang tunay na pag-ibig ay walang panghuhusga, kundi isang buong pagtanggap kung ano at sino ka pa. Katulad na nga lang ng pag-ibig ng ating Panginoon, sa pamamagitan ni Maria na nagkatawang tao dala ng Espritu Santo. Si Jose na sinamahan si Maria sa kanyang paglalakbay hanggang sa isinilang ang batang sanggol na nag ngangalang Emmanuel na ang ibig sabihin ay KASAMA NATIN ANG DIYOS.
Magalak at makiisa sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00pm). Nawa'y kaawaan tayo ng Panginoon, Amen.

December 18, 2025

IKATLONG SIMBANG GABIAng ating pinagmulan ay ating pahalagahan.Hindi  man tayo perpekto , tayo ay binigyan ng pagkakatao...
17/12/2025

IKATLONG SIMBANG GABI
Ang ating pinagmulan ay ating pahalagahan.
Hindi man tayo perpekto , tayo ay binigyan ng pagkakataon na maging mabuting tao. Ang Panginoon na nagkatawang tao para mabayadan ang ating kasalanan. Kaya't magalak tayo dahil ang Panginoon ay isisilang sa ating puso. Ang ating obligasyon na magsimba ay ating nagsisilbing pahinga. Makiisa at makidalo sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm). Nawa'y kaawaan tayo ng Panginoon, Amen.

December 17,2025

IKALAWANG SIMBANG GABIAng pag lilingkod sa Diyos ay hindi nahahadlangan ng kung ano pa man. Ang tao na magsisilbing inst...
16/12/2025

IKALAWANG SIMBANG GABI
Ang pag lilingkod sa Diyos ay hindi nahahadlangan ng kung ano pa man. Ang tao na magsisilbing instrumento upang ipahayag ang mabuting balita ng Panginoon. Buong puso natin ihanda ang ating sarili sa pagdating ng ating pinakamamahal na Jesus.
Makiisa at dumalo sa simbang gabi sa Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm).
December 16,2025

UNANG SIMBANG GABI Ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Tahanan na puno ng pag -ibig. Pagsasabi ng totoo ay hindi n...
15/12/2025

UNANG SIMBANG GABI

Ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Tahanan na puno ng pag -ibig. Pagsasabi ng totoo ay hindi nakakatakot dahil ang DIYOS AY PAG-IBIG.
Magalak at makiisa sa simbang gabi sa ating Pulong Singkamas Chapel, alas sais ng gabi (6:00 pm).
December 15,2025

13/10/2025

1 Corinthians 12:12-13
β€œFor just as the body is one, and has many members, and all the members of the body, though many, are one body, so it is with Christ"

Our Lady of Fatima Parish Dance Competition
Pulong Singkamas Youth Ministry
San Lorenzo Ruiz Chapel


!

Address

Purok 3, Brgy. Pulong Singkamas
General Mamerto Natividad
3125

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulong Singkamas Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share