Our Lady of Fatima Parish

Our Lady of Fatima Parish The Official Page of Our Lady of Fatima Parish, General Mamerto Natividad, Nueva Ecija

✨ ππ€π€ππ˜π€π˜π€! ✨Mga kalakbay, handa na ba kayong makibahagi sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya?Isang mala...
06/08/2026

✨ ππ€π€ππ˜π€π˜π€! ✨

Mga kalakbay, handa na ba kayong makibahagi sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya?

Isang malaking biyaya ang darating sa ating parokya! Ang 11th Central Luzon Youth Pilgrimage (CLYP) Cross ay dadalaw sa Our Lady of Fatima Parish mula Agosto 9–11, 2026.

Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan, pamilya, at mga mananampalataya na buong pusong makiisa sa pagsalubong at pagdalaw ng CLYP Cross. Higit pa sa isang simbolo, ang Krus ay paanyaya ni Kristo upang:

✝️ Muling pag-alabin ang ating pananampalataya;
🀝 Patatagin ang ating pagkakaisa bilang isang Simbahan;
❀️ At higit sa lahat, palalimin ang ating personal na ugnayan sa Panginoon.

Sa mundong puno ng pagsubok at pangamba, inaanyayahan tayo ni Hesus na lumapit sa Kanya at magtiwala sa Kanyang tagumpay.

"Lakasan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan."
β€” Juan 16:33

Halina! Sama-sama nating salubungin ang CLYP Cross at maging bahagi ng isang karanasang magpapalalim sa ating pananampalataya at magpapaalab sa ating misyon bilang mga kabataan ni Kristo.

Kita-kita tayo sa Agosto 9–11! πŸ™






17/07/2026

Today, we joyfully and gratefully celebrate the 23rd Episcopal Ordination Anniversary of MOST REV. PRUDENCIO P. ANDAYA, JR., CICM, DD
Bishop of Cabanatuan.

As one Diocesan family, we give thanks to the Lord for the gift of his life and vocation. We pray that the Good Shepherd may continue to bless him with good health, renewed strength, and abundant grace as he carries out his mission of sanctifying, teaching, and shepherding the Church.

Let us pray:

Heavenly Father,
We thank You for the gift of Bishop Jun and for the twenty-three years of his faithful episcopal ministry. Continue to fill him with the wisdom of the Holy Spirit, the compassion of Christ the Good Shepherd, and the courage to lead Your people with faith and hope.

Grant him good health, lasting joy, and the strength to persevere in his sacred ministry. May the Blessed Virgin Mary, Mother of the Church, accompany and protect him always, and may his life continue to inspire many to follow You with generous hearts.

We ask this through Christ our Lord. Amen.

Again, Happy 23rd Episcopal Ordination Anniversary, Bishop Jun, May the Lord continue to bless your ministry with abundant grace and peace.

Ad multos annos!


Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo |  July 16, 2026Punong Tagapagdiwang: Rev. Fr. Alvin Palma  ...
16/07/2026

Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo | July 16, 2026

Punong Tagapagdiwang: Rev. Fr. Alvin Palma





DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM MAY 10, 2026πŸ“BRGY. BALANGKARE NORTE Nawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen...
20/05/2026

DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM
MAY 10, 2026

πŸ“BRGY. BALANGKARE NORTE

Nawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng Fatima ay patuloy na magdala ng biyaya, kapayapaan at mas malalim na pananampalataya sa bawat isa.



DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM MAY 10, 2026πŸ“BRGY. BALARINGNawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng Faima...
20/05/2026

DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM
MAY 10, 2026
πŸ“BRGY. BALARING

Nawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng Faima ay patuloy na magdala ng biyaya, kapayapaan at mas malalim na pananampalataya sa bawat isa.



π——π—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—™π—”π—§π—œπ— π—” Panalangin sa Mahal na Birhen ng FatimaKabanal-banalang Birhen ng Fatim...
13/05/2026

π——π—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—™π—”π—§π—œπ— π—”

Panalangin sa Mahal na Birhen ng Fatima

Kabanal-banalang Birhen ng Fatima, Ina ng totoong Diyos, Kami'y nabubuhay para sa iyo, yamang para sa amin ikaw ay inang mahabagin. Ikaw ang hinahanap namin at tinatawagan. Maawa ka at iyong bigyang pansin ang aming mga pagluha at kalungkutan.

Pagalingin mo ang mga nalulumbay, ang mga nagdadalamhati, at ang mga maysakit. Inang maamo at maibigin kanlungin mo kami sa iyong mga bisig. Huwag mong ipahintulot na mabagabag o mabalisa ang aming mga puso. Ipakita mo sa amin ang minamahal mong anak na si Hesus, upang aming matagpuan sa kanya, at kasama niya ang aming kaligtasan at ng sanlibutan.

Kamahal-mahalang Inang Maria, suguin kami, gawin kaming tagapaghatid ng balita sa mundo at ng salita ng Diyos. Amen.

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong sa Una, Ngayon, at Magpasawalang Hanggan. Amen.





π——π—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—™π—”π—§π—œπ— π—” Bilang isang bayang sumisinta kay Maria, sama-sama nating alalahanin at...
12/05/2026

π——π—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—£π—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—›π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—•π—œπ—₯π—›π—˜π—‘ π—‘π—š π—™π—”π—§π—œπ— π—”

Bilang isang bayang sumisinta kay Maria, sama-sama nating alalahanin at ipagbunyi ang ika-109 na anibersaryo ng kanyang pagpapakita sa Fatima. Tayo na at makiisa sa natatangging pagpipista ng ating Parokya.

Narito ang mga oras ng Misa sa ating Parokya sa May 13
Banal na Misa - 8:00 AM
Misa ng Obispo - 4:00 PM
Prusisyon at sagala - Pagkatapos ng Misa ng Obispo

Mahal na Birhen ng Fatima, Mabunying Reyna, Ina, at Patrona, ipanalangin mo kami.





DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM MAY 8, 2026πŸ“BRGY. MATAAS NA KAHOYNawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng...
08/05/2026

DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM
MAY 8, 2026
πŸ“BRGY. MATAAS NA KAHOY

Nawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng Fatima ay patuloy na magdala ng biyaya, kapayapaan at mas malalim na pananampalataya sa bawat isa.

DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM MAY 4, 2026πŸ“BRGY. BALANGKARE SURNawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng ...
08/05/2026

DALAW PATRON & OUTREACH PROGRAM
MAY 4, 2026
πŸ“BRGY. BALANGKARE SUR

Nawa'y ang pagbisita ng ating Patron Mahal na Birhen ng Fatima ay patuloy na magdala ng biyaya, kapayapaan at mas malalim na pananampalataya sa bawat isa.



"Isang natatanging kaganapan ang inihanda para sa inyo! ✨ Makiisa at saksihan ang kasaysayan bilang bahagi ng KAUNA-UNAH...
08/05/2026

"Isang natatanging kaganapan ang inihanda para sa inyo! ✨
Makiisa at saksihan ang kasaysayan bilang bahagi ng KAUNA-UNAHANG Pinagyabong Festival! Ito ay higit pa sa isang simpleng pagdiriwang; ito ay isang pagsasama-sama ng ating kultura, talento, at pagkakaisa. Kasabay nito, ipagdiwang natin ang mahalagang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima ngayong Mayo 13. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng simula ng isang bagong tradisyon habang pinararangalan ang ating pananampalataya.
Tara na't lumikha ng mga alaala at maging saksi sa makasaysayang araw na ito!


"

Address

General Mamerto Natividad
3125

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Fatima Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share