29/12/2025
๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข ๐ก๐๐กฬ๐ข, ๐ ๐๐๐๐๐งโ ๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐!
Sa katahimikan at banal na sandali ng pagninilay, matagumpay na isinagawa ang ๐ฅ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ฎ ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ฆ๐. ๐ก๐ถ๐ปฬ๐ผ, ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ 27, 2025, iang sagradong pagtitipon upang pag-isahin ang mga bagay, kilalanin ang sarili, at higit sa lahat, ang muling iugnay ang puso at kaluluwa sa Diyos. Isang paglalakbay ng pananampalataya kung saan ang bawat kabataan ay inanyayahang huminto, magnilay, at makinig sa tinig ng Poong Maykapal.
Sa pangunguna ni ๐๐ฟ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ป๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฑ๐ผ ang recollection ay napuno ng makahulugang mga salita, bagong kaalaman, at mga aral na hinango mula sa kanyang sariling karanasan, mga patunay ng katotohanan, kababaang-loob, at pagtitiwala sa plano ng Diyos. Ang kanyang mga paalala ay naging liwanag na gumabay sa mga kabataan upang mas lalong maunawaan ang kanilang sarili at ang kanilang misyon bilang kabataan ng simbahan.
Sa banal na pagtitipong ito, ang mga kabataan ay malayang naghayag ng kanilang damdamin at saloobin, nagbahagi ng mga pagsubok at pasasalamat, at taimtim na nakinig sa tinig ng puso ng isaโt isa. May mga sandali ng katahimikan, taimtim na panalangin, pagninilay sa Salita ng Diyos, paghingi ng kapatawaran, at pagbubukas ng puso sa biyaya ng pagbabago at paggaling.
Ang recollection na ito ay naging paalala na sa gitna ng ingay ng mundo, may banal na tawag ang Diyos, isang paanyaya na bumalik sa Kanya, magtiwala, at magpatuloy sa landas ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.
Nawaโy ang mga binhing itinanim sa mga pusong kabataan ay patuloy na mamunga para sa ikaluluwalhati ng Diyos at sa paglilingkod sa kapwa. ๐โจ